Marian hindi kaya kapag mawala si Dingdong, nangako kay Lord

Marian ‘di kayang mawala sa buhay niya si Dingdong, may promise kay Lord

Ervin Santiago - October 23, 2024 - 12:40 AM

Marian 'di kayang mawala sa buhay niya si Dingdong, may promise kay Lord

Marian Rivera at Dingdong Dantes

KUNG may isang bagay o pangyayari na hindi kakayanin ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera — iyan ay ang mawala sa buhay niya ang asawang si Dingdong Dantes.

Abot-langit ang pagmamahal ni Marian sa pinakamamahal niyang asawa at sumumpa raw siya sa harap ng Panginoon na hindi niya iiwan o tatalikuran si Dong kahit na anong mangyari.

Sa muling pagbisita ng Box-office Queen sa “Fast Talk with Boy Abunda”, mariing sinabi ni Marian na hindi niya ma-imagine ang kanyang buhay na wala sa piling niya si Dingdong.

Tanong ni Tito Boy sa kanya, “Can you imagine a life without Dong?”

Baka Bet Mo: Nadine Samonte umaming muntik mawala ang 3rd baby: Pero hindi ako susuko, lalaban tayo…

“Parang hindi. At ayaw ko siyang isipin. The mere fact na pinakasalan ko siya sa harap ng Panginoon, doon pa lang sumumpa na ako na ‘di ko kayang mawala siya,” pahayag ni Yanyan.

Dagdag pa niyang paliwanag, “Isa siya sa mga nag-impluwensiya sa akin kung paano mas maging mas mabuti pang tao para sa iba at para sa sarili ko.”

“Kasi siyempre nu’ng araw kapag Caviteña ka probinsiyana ka, e. Wala kang alam.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Marian Rivera Gracia Dantes (@marianrivera)


“So, isa siya sa mga nag-guide talaga sa akin na ang mundo ay ganito, ang mga tao ay ganito,” sey pa ng mommy nina Zia at Sixto Dantes.

Aminado naman ang aktres na hindi sila perpektong couple, tulad ng lahat ng mag-asawa dumaraan din sila sa mga pagsubok.

Lahat daw ay ginagawa nila para palaging maging maayos ang kanilang relasyon at pagsasama bilang mag-asawa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Palagi kaming nag-uusap. Siyempre, sino ba namang pamilya ang gustong hindi maayos?” pahayag pa ni Marian.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending