Nadine Samonte umaming muntik mawala ang 3rd baby: Pero hindi ako susuko, lalaban tayo…
HINDI biro ang pinagdaraanan ngayon ng celebrity mom na si Nadine Samonte dahil sa kanyang delikadong pagbubuntis.
Inamin ni Nadine ng muntik nang mawala ang baby sa kanyang sinapupunan noong mga unang buwan ng pagdadalang-tao niya.
Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ng dating Kapuso actress na ibang-iba ang naging karanasan niya sa pagbubuntis sa third baby nila ng asawang si Richard Chua dahil sa “pregnancy complications.”
Makikita sa IG photo ni Nadine ang kanyang tiyan na tila may mga sugat at inaming nakikipaglaban sa kanyang autoimmune and hormonal disorder.
“Every day is a struggle but it’s more of a blessing. Feeling my tummy grow every day is what I’m thankful for.
“Thank you, Lord, for our 3rd baby. Yes, I still have PCOS (polycystic ovary syndrome) and mostly APAS (antiphospholipid antibody syndrome).
“This journey is particularly different from my 2 kids. We almost lost our baby during my first trimester but with God’s grace and Guidance hindi nya kami pinabayaan. God is Good,” ang caption ni Nadine sa ipinost na litrato.
Ayon sa isang health website, “PCOS is a hormonal disorder that affects women during their childbearing years. PCOS interrupts the normal menstrual cycle and makes it harder for a woman to get pregnant. It also increases a woman’s risk for pregnancy complications and miscarriage.”
Ang tinatawag namang APAS, “is an autoimmune disorder associated with the presence of high levels of antiphospholipid antibodies in the blood.
“APAS, according to the National Heart, Lung, and Blood Institute, is particularly risky among pregnant women, as it can cause pregnancy-related problems, such as multiple miscarriages, a miscarriage late in pregnancy, or a premature birth due to eclampsia.”
Ayon pa kay Nadine, sa kabila ng pinagdaraanang hirap sa ikatlo niyang pagbubuntis, hinding-hindi raw siya susuko sa laban alang-alang sa kanyang baby.
“I can say I’m one strong momma here fighting for my babies. Ang dami kong iniyak sa journey na ‘to. Hehehe.
“Pero I won’t give up EVER! I’ll fight and stay strong for them! Go APAS and PCOS mommas out there. Kaya natin ‘to!” aniya pa.
Sa huling bahagi ng kanyang post, sinabi ni Nadine na super excited na siya na i-welcome sa mundo ang kanilang “rainbow baby”.
Kung matatandaan, ibinandera nina Nadine at Richard sa publiko na magkakaroon na sila ng isa pang baby at magkakaroon na nga ng kapatid sina Heather Sloane at Austin Titus.
Ikinasal ang mag-asawa noong 2013 sa isang private ceremony na ginanap sa Zambales.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.