Joel Torre nagluto, naghanda, nagpakain ng 340 estudyante sa Mindanao

Joel Torre nagluto, naghanda, nagpakain ng 340 estudyante sa Mindanao

Joel Torre nagpa-feeding program sa isang elementary school sa Mindanao

UMABOT sa 340 mga estudyante ang nakatikim sa masasarap na pagkaing personal na niluto at inihanda ng award-winning veteran actor na si Joel Torre.

Nakatanggap ng positibo at inspiring comments and messages ang beteranong aktor at negosyante dahil sa isinagawa niyang feeding program sa isang lugar sa Mindanao.

Ito’y bilang bahagi ng pakikiisa ni Joel sa selebrasyon ng World Food Day na naganap sa isang elementary school sa Mindanao.

Sa Facebook post ng “World Food Programme” makikita ang pagpapakain ng aktor sa 340 mag-aaral ng Datu Sa Biwang Elementary School sa Bangsamoro Region.

Ayon pa sa naturang post, mismong ang TV at movie icon ang nagluto, naghanda, at nagbahagi sa daan-daang estudyante sa naturang paaralan.

Baka Bet Mo: Payo ni Aga sa mga anak: ‘Alagaan n’yo ang sarili n’yo, huwag kayong umasa sa magulang n’yo’

“Joel Torre, a veteran actor and owner of JT’s Manukan Grille, prepares chicken and vegetables for 340 kids at Datu Sa Biwang Elementary School on #WorldFoodDay.

“Datu Sa Biwang Elementary School is among the 9 schools in the Bangsamoro Region implementing the home-grown school feeding programme.


“By providing hot, nutritious meals daily, the programme helps improve education outcomes while supporting their nutritional needs,” ang mababasa sa naturang FB post.

Sa official FB page naman ng pag-aaring resto ni Joel ay ibinahagi nga ang appreciation post ng WFP.

“Honored, humbled and grateful to be a part of something bigger than ourselves. UN World Food Programme (WFP) partners with JT’s Manukan Grille in Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao to celebrate World Food Day,” sabi ni Joel sa kanyang pahayag.

Read more...