NAPANOOD niyo na ba mga ka-BANDERA ang pelikulang “Outside?”
Ito ‘yung kauna-unahang zombie film na gawang Pinoy mula sa direksyon ni Carlo Ledesma at pinagbibidahan nina Beauty Gonzales, Sid Lucero, Marco Masa at Aiden Patdu.
Isa ang BANDERA sa mga naunang nakapanood nito sa naganap na special screening sa BGC noong October 16 at talaga namang na-stress kami dahil sa mga matitinding eksena na aming natunghayan!
Bukod kasi sa madadala ka sa mga emosyon nito, talagang high class at pang-international ang ipinakitang visuals at effects sa horror film –mula sa makeup ng mga zombies o ‘yung tinatawag na “dead ones”, ‘yung malulupit na actions scenes hanggang sa mismong pagkaka-edit ng bawat sequence.
Nakaka-proud din as Pinoy dahil para sa amin, napantayan ng mga bumubuo ng “Outside” ‘yung kalidad ng mga nakasanayan nating zombie films mula sa iba’t-ibang bansa.
Baka Bet Mo: Eian Rances, Alexa Ilacad, Brenda Mage bati-bati na: Na-fix namin lahat pagbalik ng outside world
Ang nakakatuwa pa, hindi ito ‘yung typical na puro tungkol lang sa mga “dead ones” dahil may twist din ito na talagang makaka-relate ang maraming pamilyang Pilipino.
Gaya ng sinabi ng direktor ng pelikula during the exclusive dialogue na sinadya niya raw ito upang matalakay ang “trauma” ng ilang kababayan na nararanasan sa loob ng kanilang tahanan.
“Many of us know people that are close to us suffered through generational abuse from family members who maybe they have abused also,” sey niya.
Paliwanag pa ni Direk Carlo, “So it’s something that I like to shine the light upon on, because I think it’s something – Filipinos are very patriarchal society and one of the things that I really wanted to change is that I want people to talk about their feelings and accepting that, ‘hold on, I don’t want to pass whatever abuse I had from this particular parent. I don’t want to bring that back to my child.’ And I’ve seen that more in the younger generation, I’ve seen more parents spend more time with their families.”
Hindi naman namin pwedeng i-spoil ang nilalaman ng pelikula, pero ibinunyag sa event na isang taon din pala ang kanilang hinintay bago nila ito ilabas exclusively sa Netflix.
Nang tinanong ang main cast kung ano ang pakiramdam nila na mapapanood na ito ng madlang pipol, lahat sila ay very thankful at excited na.
“Doing the movie…that’s the fun part and it has been a year, so it kinda falls back in the background, and then now we’re back here, it feels really nice…it’s nice being here,” sambit ni Sid.
Sumang-ayon naman sa kanya si Beauty at sinabing: “Parang I’m adjusting to everything and I’m very lucky to be part of it and I’m very grateful na I’m part of this team and so thankful.”
Pag-amin pa ng aktres, “Dinadamdam ko pa lahat kasi napakagandang pelikula talaga and nagpapasalamat ako na kasama ako.”
Ani naman ni Marco, “Actually, watching it for like, for the first time or second time, parang iba pa rin ‘yung bigat na nararamdaman ko especially for Joshua’s character, so I’m really happy and blessed and honored to be part of this, parang it’s a big, big break for me kaya thank you sa lahat.”
Ang “Outside” ay pwede nang mapanood sa nasabing streaming platform.
Ang gagampanan ni Sid ay bilang troubled father, si Beauty ang strong-willed mother, habang sina Marco Masa at Aiden Patdu ang magiging terrified sons nila sa horror movie.