Sarah G, SB19 may pasabog na collab, fans excited: It’s finally happening!

Sarah G, SB19 may pasabog na collab, fans excited: It’s finally happening!

Sarah Geronio, SB19

MAGSASAMA sa isang music project ang tinaguriang Pinoy pop kings na SB19 at ang binansagang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo!

Kaya naman ang kanilang fans, sabik na sabik na sa kaabang-abang na pasabog.

Sa Instagram, makikita ang mala-teaser video ng dalawang bigating musicians na nasa isang recording studio.

Ang caption pa sa post ng official pages ng SB19 at G Productions, “Sarah G x SB19 soon.”

Baka Bet Mo: Sarah wish maka-collab si BTS Jung Kook, excited na sa ‘Global Force Award’

Wala pang masyadong detalye, pero nagkagulo na ang fans ng SB19 at Sarah G sa comment section.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin:

“OMG yes! It’s finally happening [holding back tears emoji]”

“PPOP Kings x Asia’s Popstar Royalty [fire emojis] OWSHEEEEESH”

“Soon kailan bukas na ba o sa susunod na bukas? Next week? Charot hehe excited na po kami PPOp kings and Pop Queen lang naman yan.”

“Omg!!!!! Been waiting for this!!!!”

“OMGGG!!!! This is sooo kaabang-abang! [fire emoji]”

“The wait is over and yes…this will be fire [fire emojis]”

“Royalties at work. This will be epic, nothing less. Always so proud of the work you do. Go amaze us Sarah G and SB19 [blue heart emoji].”

Kung matatandaan, hindi ito ang unang beses na nagkaroon ng collab ang dalawang music artists dahil last year lamang ay nag-release sila ng kantang “Ace Your World.”

Recently lamang nang mag-perform sila sa anniversary show ng Billboard Philippines, kasama nila riyan sina Regine Velasquez-Alcasid, BINI, Gary Valenciano, Moira dela Torre, at marami pang iba.

Read more...