15,000 movie workers nakinabang sa P75-M budget ng gobyerno
MATAGUMPAY ang Bagong Pilipinas Serbisyo Fair event ng gobyerno para sa movie workers na binigyan ng ayuda simula nitong Oktubre 13 hanggang Oktubre 14 na ginanap sa Philippine Sports Arena (Ultra) Pasig City.
Ang Mentorque producer na si Bryan Diamante ang unang nagkuwento sa amin sa MMFF Mural launching na may ganitong project ang gobyerno at makikipagtulungan sila sa Metro Manila Development Authority at Metro Manila Film Festival kasama ang Film Development of the Philippines, Mowelfund, Film Academy of the Phils. (FAP) at AKTOR at DSWD.
Say ni Bryan, aabot sa P75 million ang inilaan ng gobyerno para sa 15,000 movie workers at may kasama pang bigas.
“Marami kasing wala nang trabaho now sa industry especially mga seniors na maysakit na, so naisip ito ng government headed by Speaker Martin Romualdez, si Ms. Vilma (Santos-Recto), si Sec. Ralph (Recto), sama-sama na halos lahat nagkaisa for this.
Baka Bet Mo: Daniel Padilla makiki-join sa ‘Pagkakaisa’ concert sa Davao
“Which nag-agree naman ang lahat dahil pera naman ito ng taumbayan na ibinabalik lang din sa kanila, hindi lang naman dito nangyayari ang pagtulong, marami pa sa iba’t ibang lugar sa buong bansa,” kuwento ni Bryan.
Layunin ng programa na mas mailapit sa mga tao ang serbisyong-gobyerno and this time, ang sector nga ng film industry ang naging beneficiaries.
At kaya rin kasama ang MMDA/MMFF ay dahil isinabay ito sa grand celebration ng 50th Metro Manila Film Festival ngayong 2024.
Dumalo sa Bagong Pilipinas Serbisyo Fair sina MMDA Chairman Atty. Don Artes, MMFF Exec Director Atty. Rochelle Che-Che Macapili-Ona, MOWELFUND Chairperson Ms. Boots-Rodrigo, FDCP Chairman Jose Javier Reyes, Ex-DILG Sec. Benhur Abalos, Sen. Bong Revilla, Congresswoman Lani Mercado-Revilla, ACT-CIS Partylist Rep. Erwin Tulfo, Q.C. 1st District Rep. Juan Carlos Campo Atayde, Pasig City Rep. Roman Romulo, Regal Films producer Roselle Monteverde, IDEAFirst producer-director Perci Intalan at marami pang iba.
Nagsilbi namang host ng even sina Migs Bustos at Jing Castañeda.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.