Sex scene nina JM at Lovi sa ‘Guilty Pleasure’ aprub kay Donnalyn

Sex scene nina JM at Lovi sa 'Guilty Pleasure' aprub kay Donnalyn

JM de Guzman, Lovi Poe, Jameson Blake at Donnalyn Bartolome

WALANG isyu at problema kay Donnalyn Bartolome ang paggawa ng kanyang boyfriend na si JM de Guzman ng mga sex scenes sa pelikula.

Tulad na lang ng matitinding love scene na ginawa ni JM sa latest movie niyang “Guilty Pleasure” kasama sina Lovi Poe at Jameson Blake na idinirek ni Connie Macatuno.

Ayon kay JM, napanood na raw ni Donnalyn ang trailer ng “Guilty Pleasure” kung saan ipinasilip nga ang maiinit na eksena nila ni Lovi kung saan bigay na bigay sila sa pakikipaglampungan sa isa’t isa.

“Napanood na niya. Ang galing ko raw,” ang nangingiting sabi ni JM sa naganap na grand presscon ng naturang pelikula mula sa Regal Entertainment at Cést Productions na pag-aari ni Lovi.

Baka Bet Mo: JM de Guzman umaming ‘naaadik’ ngayon sa isang female celebrity…si Donnalyn Bartolome ba yarn!?

Nagpasalamat din si JM sa kanyang karelasyon dahil sa pagiging number one fan nito sa lahat ng mga ginagawa niyang proyekto, “Iyun na nga rin, naiintindihan naman niya (na trabaho lang).”

Sey pa ng premyadong aktor, talagang nag-uusap muna sila ni Lovi bago kunan maseselan nilang eksena sa “Guilty Pleasures” na showing na sa darating na October 16.


“Nag-uusap muna kami na actors before we do the scene,” ani JM.

At dahil nga R-16 without cuts ang rating na ibinigay ng MTRCB sa movie, natanong din si JM kung ano pang bago ang mapapanood ng mga tao sa kanya.

“Sa tingin ko, yung bago kong in-offer, kung paano ako nag-react sa mga co-actors ko. Kung paano ko sila hinarap du’n sa mga eksenang binigay sa amin na medyo sensitive,” sagot ng binata.

Ayon naman kay Direk Connie, hindi niya mailarawan nang bonggang-bongga kung gaano ka-sensual at ka-daring ang mga eksenang ginawa nina Lovi, JM at Jameson sa movie. Mas magandang panoorin na lang daw ito sa sinehan.

“Bawat isa sa kanila na nandito, except si Sarah (Edwards), lahat merong sensual moment.

“Para hindi natin i-spoil din, you have to go to theaters para makita ninyo kung ano exactly ito ma-experience ninyo hindi lang yung kuwento kumbaga,” sey pa ni Direk Connie.

Samantala, unti-unti na ring binubuksan ni JM ang kanyang sarili sa mundo ng content creation nang dahil kay Donnalyn.

Aniya, “I’m still learning, bago pa lang ako sa content creation. Ako kasi medyo hindi ko kaya i-portray masyado ang sarili ko eh, okay ako mag-portray ng ibang characters pero kapag sarili ko na medyo dyahe.”

Read more...