Melody ng Sugar Hiccup wish maka-collab si Joey Ayala; may kantang pinagsisihan?

Melody ng Sugar Hiccup wish maka-collab si Joey Ayala; may kantang pinagsisihan?

PHOTO: Facebook/Melody del Mundo Lucas

FOLLOW-UP ito sa nauna naming artikulo patungkol sa nalalapit na 30th anniversary concert ng iconic dream pop band na Sugar Hiccup.

Kamakailan lang, nagkaroon ng online press conference ang bokalista ng banda na si Melody del Mundo at diyan naitanong ng BANDERA kung sino ang nais pa niyang maka-collaborate in the future.

Ang mabilis niyang sagot…ang legendary singer-songwriter na si Joey Ayala!

“Although there’s a lot of artists that I would love to collaborate with, pero right now, I am such a huge fan and big respect to Mr. Joey Ayala that I would love to collaborate with him,” wika niya.

Kasunod niyan ay naitanong din namin sa singer kung anong advice ang nais niyang ibigay sa younger self niya.

Baka Bet Mo: Sanya Lopez mas na-challenge bilang First Lady; ibubuking ang mundo ng mga politiko

Diyan ibinunyag ng Sugar Hiccup vocalist na may pinagsisisihan siyang ni-release na kanta –ang “Five Years.”

“Actually, if I were to advise my younger self, when I go back to my Sugar Hiccup phase, I would probably tell my younger self to ‘wag lang kantahin ‘yung ‘Five Years,” bungad niya.

Inamin ni Melody na “challenging” at medyo hirap na kasi siyang i-reach ang high notes nito ngayong may edad na siya.

“Having to sing that song and commit to it as a single and it became a hit, parang now ang hirap niyang –it’s like a break or make for us, for me,” paliwanag niya.

Patuloy niya pa, “Like, people judge that if you’re not able to sing that song, you know, that the band is no longer a good band. Parang ang unfair naman ‘diba.”

Pero nilinaw ni Melody na very proud siya sa nasabing hit single, pero ito rin daw kasi ang dahilan kaya may mga taong nagja-judge sa kakayahan niya ngayon sa pagkanta.

“Don’t get me wrong. I mean, that is such a great song. I am proud of that song. It’s just that parang if we do not meet people’s expectations because of that song then everything else is diminished. So it’s unfair to all the other songs and especially to those people who do not know the band’s music. That all they know is ‘Five Years,’ ‘diba parang unfair naman sa ibang songs,” dagdag niya.

Aniya pa, “It would be a great single, pero siguro hindi siya ‘yung dapat na unang single.”

Ngayong Oktubre na ang inaabangang 4-city tour ng banda na mangyayari sa tatlong lugar sa Pilipinas, pati na rin sa Singapore.

Ayon sa iconic band, asahan na tatanghalin nila ang ilan sa cult favorites mula sa hit albums nila na “Oracle” at “Womb.”

Narito ang kumpletong detalye sa kanilang show:

October 19: 123 Block, Mandala Park, Mandaluyong City

October 20: Cuba Libre, Clark Quay, Singapore

October 25: Canto Bogchi Joint, Baguio City

October 26: TBA, Cebu City

Sa mga hindi aware, ang Sugar Hiccup ang isa sa most iconic bands noong ‘90s na binubuo nina Melody (vocals, lead guitars), Czandro Pollack (rhythm guitars), Iman Leonardo (bass), at Mervin Panganiban (drums).

Read more...