Sanya Lopez mas na-challenge bilang First Lady; ibubuking ang mundo ng mga politiko | Bandera

Sanya Lopez mas na-challenge bilang First Lady; ibubuking ang mundo ng mga politiko

Ervin Santiago |February 09,2022
facebook
share this

Sanya Lopez mas na-challenge bilang First Lady; ibubuking ang mundo ng mga politiko

Ervin Santiago - February 09, 2022 - 07:20 AM

Gabby Concepcion at Sanya Lopez

MAS matinding challenge ang hinarap ng Kapuso actress na si Sanya Lopez para sa pagbabalik ng  karakter niyang si Melody Reyes sa book 2 ng “First Yaya” — ang “First Lady.”

Paliwanag ng dalaga, mas nakaka-relate raw kasi siya nang bonggang-bongga kay Yaya Melody noong katulong pa lamang ang role niya sa pamilya Acosta na pinamumunuan nga ni President Glen played by Gabby Concepcion.

“Mas challenging po talaga maging First Lady. ‘Yung First Yaya po kasi medyo malapit-lapit pa talaga kay Sanya ‘yung character, e. Unlike now, ‘yung pagiging First Lady, medyo inaaral-aral ko pa po,” pag-amin ng Kapuso star.

At knows n’yo ba na kumuha pa talaga ang production ng “First Lady” ng ilang political advisers para turuan si Sanya ng proper decorum ng isang First Lady? 

Kaya naman talagang na-pressure si Sanya sa bago niyang project. Pero in fairness, puro papuri pa rin ang tinatanggap niya mula sa kanyang mga katrabaho sa serye dahil super galing daw talaga niya sa lahat ng mga eksena.

Makakasama rin nina Sanya at Gabby sa serye si Alice Dixson bilang dating girlfriend ni President Glenn na si Ingrid Domingo at si Rocco Nacino as Mayor Moises Valentin.

Pahayag ni Rocco, super happy siya na nagkasama uli sila ni Sanya sa isang teleserye. Una silang nagtambal sa ikalawang version ng “Encantadia” noong 2016.

Ayon kay Rocco, wala naman daw issue o problema sa asawa niyang si Melissa Gohing ang muling pagtatambal nila ni Sanya.

“Melissa’s very supportive, alam niya kapag trabaho, trabaho. And kilala naman niya si Sanya, she’s met her a few times already,” sey pa ng aktor.

View this post on Instagram

A post shared by Sanya Lopez (@sanyalopez)


Samantala, ayon naman sa direktor ng “First Lady” na si L.A. Madridejos, “Tuloy ang puso ng show na magbigay ng saya at positive vibes sa panahon ng pandemya. 

“Sama-sama ang buong pamilya sa panonood gabi-gabi. Hindi puwedeng ang Season 2 is just like Season 1 so this is much bigger. 

“Timely nga ito kasi panahon ng election ngayon so magibigay rin ng kami ng insights tungkol sa mundo ng politicians and what is happening behind the scenes,” pahayag pa ng direktor.

Ka-join din sa cast ng serye sina Isabel Rivas, Francine Prieto at Samantha Lopez bilang mga former First Lady; Glenda Garcia bilang kontrabidang reporter; Sandy Andolong at Buboy Garovillo as Sanya’s parents; Annalyn Barro as Sanya’s sister at Anjo Damiles bilang asawa ni Annalyn.

Nandiyan pa rin si Pilar Pilapil bilang nanay ni Gabby; Pancho Magno at Thia Tomalia as Gabby’s security; Thou Reyes as the chief of staff, Maxine Medina na isa pa sa mga kontrabida; Cassy Legaspi, Clarence Delgaco at Patricia Coma bilang mga anak ni Gabby; JD Domagoso, Kakai Bautista, Shyr Valdez, Cai Cortez at marami pang iba.

Mapapanood na ang world premiere ng “First Lady” simula sa sa Valentine’s Day, Feb. 14 sa GMA Telebabad after “24 Oras.”

https://bandera.inquirer.net/279906/gabby-pinuri-si-sanya-hindi-pasosyal-walang-ere-first-yaya-trending-na-wagi-pa-sa-rating

https://bandera.inquirer.net/305037/alice-inatake-ng-sepanx-nang-mawalay-sa-anak-para-sumabak-sa-lock-in-taping-ng-first-lady

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/289002/sanya-lopez-inaming-ideal-man-si-daniel-padilla

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending