Sharon: Alamin kung sino’ng dapat iboto, kung sino walang kinurakot
PINAYUHAN ni Megastar Sharon Cuneta ang mga botanteng Filipino na mag-research at kilatising mabuti ang mga kakandidato sa 2025 midterm elections.
Ito’y matapos maghain ng Certificate of Candidacy (CoC) ang kanyang asawang si Kiko Pangilinan para sa muli nitong pagtakbo bilang senador next year.
“Sana po ay tulungan niyo kami dahil alam n’yo po ang pagto-troll ng ibang tao. Napakadali maniwala ng Pilipino sa paninira lang. Please do your research,” ang pahayag ni Sharon sa panayam ng media.
Aniya pa, “When they say walang nagawa si Kiko, that hurts us so much because we know how hard he’s been working. Lahat naman ‘yan mahahanap sa internet.
“Sana po sabihan n’yo ‘yung iba na sinasabi wala siyang ginawa, my God! ‘Yun po ang isa sa pinakamalaking kasalanan na ginawa ng kanyang kalaban,” sey pa ni Mega patungkol sa kanyang mister.
Baka Bet Mo: Willie Revillame tatakbong senador sa 2025: ‘Handa akong magsilbi!’
Pagmamalaki pa ni Sharon kay Kiko, “He has done so much, you just have to look. You don’t even have to ask. You just have to do your research.
View this post on Instagram
“Alamin n’yo po, alamin n’yo po sa inyong pagre-research sa pagtatanong kung sino po ang karapat dapat iboto. Kung sino ‘yung walang kinurakot kahit kailan, walang kinita,” sabi pa niya sa ulat ng ABS-CBN.
Samantala, nagpasalamat din si Mega kay former Sen. Leila De Lima sa pag-endorso nito sa kandidatura ni Kiko sa pagkasenador.
“Nagpapasalamat po kami sa Diyos na nandito na si Sen. Leila De Lima. Nung siya po ay nasa kulungan pa, talaga pong it was breaking our hearts all the time, pati po mga anak namin.
“Because we know her heart, we know she is an honest, decent public servant,” dagdag ng aktres.
Sa tanong naman kay Kiko kung bakit siya tatakbo uli, “Nu’ng hiniling sa atin ni Vice President Leni (Robredo) ng suporta at isinantabi natin yung sarili nating gusto at sinuportahan siya.
“Dahil ito ang original plan ko at lalo na ngayon, pinakadaing ng taumbayan ang presyo ng pagkain, taas ng presyo ng bilihin.
“So ‘yan ang dahilan, dahil yan ang hinahanap ng taong bayan mawala ang gutom,” sabi pa ni Kiko na naging running mate ni Leni Robredo noong Eleksyon 2022
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.