Bed scene nina Jericho at Janine pasabog; 4 na karakter sa ‘BQ’ patay

Bed scene nina Jericho at Janine pasabog; 4 na karakter sa 'BQ' patay

Jericho Rosales at Janine Gutierrez

NAKAKUHA ang drama-thriller series ng ABS-CBN na “Lavender Fields” ng all-time high viewership record nang magtala ng 755,332 peak concurrent viewers ang episode nito last Friday, October 4.

Ito’y matapos abangan ng mga manonood ang kahihinatnan ni Jasmin (Jodi Sta. Maria) matapos malaman ni Zandro (Albert Martinez) ang kanyang tunay na pagkatao.

Sunod-sunod na binasag ng serye ang viewership records nito nang makakuha ang episode noong Miyerkules, October 2 ng 657,514 views, na nilampasan ang dati nitong record simula noong pagpalabas ng pilot episode, habang ang episode nitong Huwebes, October 3 ay umabot sa 748,268 views.

Baka Bet Mo: Jodi, Albert magkakampi na sa ‘Lavender Fields’, Tanggol nanganib ang buhay sa ‘BQ’

Nang sumunod na araw, October 4, nilampasan ng episode na ito ang viewership record ng serye sa ikatlong pagkakataon nang makakuha ito ng 755,332 views.


Patuloy na sinusubaybayan ng mga manonood ang “Lavender Fields” dahil sa pasabog na mga rebelasyon nito. Inamin na ni Aster (Maricel Soriano) ang kanyang tunay na intensyon sa pagtulong kay Jasmin.

Pinaniniwalaan ni Aster na ang tatay ni Iris (Janine Gutierrez) na si Vittorio (Edu Manzano) ang nasa likod ng pagkawala ng kanyang anak na si Marigold. Samantala, humingi ng tulong si Jasmin kay Zandro, na sa paghahanap ng kanyang anak.

Ipinakita rin sa episode noong Biyernes ang pagbabalik ni Tyrone (Jericho Rosales), na nananatiling buhay at nakakulong lang pala, habang palapit nang palapit na si Zandro sa pagkakakilanlan ng anak ni Jasmin sa pamamagitan ng isa pang DNA testing.

Nananatili naman ang serye bilang isa sa Top 10 TV Shows ng Netflix PH, habang numero uno pa rin ito sa mga pinakapinapanood na palabas sa iWantTFC.

Abangan ang mga pasabog na eksena sa “Lavender Fields” tuwing weeknights, 8:45 p.m. sa iba’t ibang Kapamilya platforms.

Anyway, napanood namin ang love scenes nina Jericho at Janine sa serye at in fairness, bigay na bigay ang aktres sa eksena na kung hindi kami nagkakamali ay first time niyang ginawa on screen.

Hindi bastos ang pagkakagawa sa kanilang intimate scenes pero siguradong ramdam na ramdam ng manonood ang pagmamahal nila sa isa’t isa. Basta, winner ang laplapan at bathtun/bed scene ng magdyowa.

* * *

Apat na karakter sa “FPJ’s Batang Quiapo” na pinagbibidahan ni Coco Martin ang nagpaalam na matapos ang sunud-sunod na pasabog na eksena nitong mga nagdaang episode.

Sa latest episode ng serye, nakorner na ni Ramon (Christopher de Leon) si Don Facundo (Jaime Fabregas) sa loob ng kampo nito.

Binaril naman ni Olga (Irma Adlawan) si Katherine (Ara Davao) pati na rin si Bettina (Tessie Tomas).


Sinundan pa ito ng pagkamatay ni Marcelo (Nonie Buencamino), matapos makorner ni Ramon.

“Babalikan ka nila. Maghihiganti ang mga kalaban mo, babalik sa ‘yo kasakiman mo pagdating ng panahon. Ako mismo ang sasalubong sa ‘yo sa impyerno,” ang banta ni Marcelo kay Ramon bago malagutan ng hininga.

Last week, pinatay na rin sa kuwento ang karakter ni Elsa, na ginagampana ni Ate Gay.

The said episode also garnered a new viewership record at 777,460 peak concurrent viewers – or those watching on Kapamilya Online Live at the same time.

Read more...