MAYNILA, Pilipinas — Ang dating alkalde ng Maynila na si Isko Moreno Domagoso, ay muling tatakbo bilang mayor sa Eleksyon 2025 matapos maghain ng certificate of candidacy (COC) ngayong araw, Oktubre 8.
Sa isang post sa Facebook noong Lunes, inihayag ni Moreno na tatakbo siyang muli bilang alkalde ng lungsod ng Maynila. Si Chi Atienza ang magiging running mate niya bilang bise alkalde.
“Samahan po ninyo akong muli. Gawin nating dakila muli ang Maynila! Dinidinig ko po ang panawagan ninyo, tatakbo po akong mayor sa darating na halalan,” ayon sa post.
Tatakbo si Moreno laban kay incumbent Manila City Mayor Honey Lacuna, ang kanyang dating kaalyado at running mate noong 2019 halalan. Si Lacuna ay naghain ng kanyang COC para sa pagka-alkalde noong Huwebes.
Ayon kay Lacuna, ipinaalam sa kanya ni Moreno ang plano nitong bumalik bilang punong lokal ng lungsod.
Ang dating magkaalyado ay nagkaroon ng palitan ng salita kamakailan matapos sabihin ni Lacuna ang “Huwag kang bumalik” nang tanungin tungkol sa plano ni Moreno na bumalik sa politika.
Nang tanungin tungkol sa kanyang reaksyon, sinabi ni Moreno,“Peace be with you.”
Ayon sa isang survey na isinagawa ng OCTA Research, mananalo si Moreno sa laban para sa pagkaalkalde ng Maynila laban kay Lacuna kung ang halalan ay ginanap mula Hulyo 8 hanggang 10. Mangunguna si Moreno na may 86 porsyento ng boto, habang nakakuha lamang si Lacuna ng walong porsyento.
Tumatakbo si Moreno para sa pagka-pangulo noong 2022 at pumuwesto sa ika-4 sa 10 kandidato.
Suportado rin niya noon ang kandidatura ni Lacuna bilang alkalde sa parehong halalan.