Ogie Diaz sa pagtakbo ni Diwata sa Eleksyon 2025: Naloka nga ako!
NAGBIGAY ng reaksyon ang talent manager at content creator na si Ogie Diaz sa pagtakbo ng social media personality na si Diwata sa Eleksyon 2025.
Personal na nag-file si Diwata o Deo Balbuena sa tunay na buhay, ng kanyang certificate of nomination of acceptance (CONA) bilang 4th nominee ng Vendors Partylist.
Base sa mga nabasa naming komento sa official Facebook page ng BANDERA, mas marami ang hindi pabor sa pagsabak ni Diwata sa mundo ng politika. May ilang nagtanggol sa content creator at nagsabing sundin niya ang nilalaman ng kanyang puso.
Baka Bet Mo: Sagot ni Diwata sa vlog ni Ogie: Kung hindi gusto, huwag nang bumalik!
Sa latest episode ng YouTube channel ni Ogie na “Showbiz Update”, napag-usapan nila ni Mama Loi ang tungkol dito dahil marami ang nanghihingi ng kanilang saloobin sa pagkandidato ni Diwata.
Ayon kay Mama Ogs, “Ang daming nagtatanong sa akin, ano raw maiko-comment ko, masasabi ko dito sa pag-file ni Diwata ng kandidatura bilang fourth nominee sa isang partylist na kaniyang pino-promote o ine-endorse.”
View this post on Instagram
Hirit ni Mama Loi, “Ayun nga, ano raw masasabi mo?”
Sagot ni Ogie, “Wala! Naloka nga ako du’n bakit ka pumayag na fourth nominee ka.”
Sey naman ni Mama Loi, “Ano ba ibig sabihin nu’n, kapag fourth nominee ka? Kailangan makailang boto?”
Sagot sa kanya ni Ogie, “Siyempre dahil baguhan ‘yung parytlist na ito ni Diwata, jackpot na kung makaisang seat sila. ‘Yung isang seat na ‘yun, e pang-fourth siya.
“Hindi nga siya makakaupo dahil tatlong upuan lang ibibigay sa isang partylist. Oo, kaya maghihintay pa siya kunwari ‘yung isa dun mag-resign o ‘yung isa dun matigok. Kung makakatatlo silang upuan, ah,” dagdag ni Mama Ogs.
Mensahe pa niya kay Diwata, “Anyway good luck Diwata at sana e, alam mo ‘yung pinapasok mo ‘no.”
View this post on Instagram
Sa mga hindi pa aware, taga-Samar si Diwata at nagpunta sa Maynila para makapagtrabaho at makaipon. Gumradweyt siya ng high school sa Don Juan F. Avalon National High School sa San Roque, Northern Samar.
Bukod sa pagraket bilang beautician, nangalakal at nagtida rin siya ng kung anu-ano sa kalye at naging construction worker din.
Unang nag-viral si Diwata noong 2016 nang masangkot sa isang gulo matapos ireklamo ang dalawa niyang katropa na gumagamit umano ng droga. Sinaktan daw siya ng mga ito at nasugatan sa noo at braso gamit ang cutter.
Naging contestant din siya sa “Miss Q and A InterTALAKtic edition” ng “It’s Showtime” noong 2019 kung saan naiuwi niya ang Beks in ChukChak Award.
Kasunod nito, nag-viral siya uli dahil sa itinayo niyang paresan business dahil sa gimik niyang unli rice at unli sabaw na may kasamang softdrink sa halagang P100 lamang.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.