Kobe napikon kay Lolit: Please walang bastusan, Kyline is my girlfriend

Kobe napikon kay Lolit: Please walang bastusan, Kyline is my girlfriend

Lolit Solis, Kobe Paras at Kyline Alcantara

NALOKA ang talent manager at veteran entertainment columnist na si Manay Lolit Solis sa isinagot sa kanya ni Kobe Paras nang mapag-usapan nila si Kyline Alcantara.

Hindi kinaya ng powers ni Manay Lolit ang matapang na statement ng anak nina Benjie Paras at Jackie Forster patungkol sa kanyang rumored girlfriend na si Kyline.

Ikinuwento ng talent manager ang naganap sa paghaharap nila ni Kobe kamakailan sa isang event sa pamamagitan ng kanyang Instagram account kalakip ang litrato nina Kobe at Kyline.

Simulang chika ni Manay, “Salve huwag mo nang itanong kung ano sinabi ni Kobe Paras tungkol kay Kyline Alcantara.

Baka Bet Mo: Lolit Solis tinawag na ‘lola’ si Bea Alonzo: Mas mukhang bata si Marian Rivera

“Naloka talaga ako nang sagutin niya ako ng ‘please walang bastusan, Kyline is my girlfriend’ sabay talikod at irap sa akin,” sey ng matapang na talent manager.

Patuloy ni Manay Lolit, “Talagang laugh ako dahil para bang sobra sa pagmamalaki si Kobe na girlfriend niya si Kyline. Sobrang lucky ni Kyline dahil proud na proud si Kobe Paras sa kanya.


“Talagang para bang precious trophy na dapat ipagmalaki sa lahat. Naokray tuloy ako ni Kobe ng sabihin ko na mas bagay sa kanya kung level Sharon Cuneta o Kris Aquino.

“At talagang hindi siya nag-goodbye sa akin, snob ako totally, hah hah. Laugh na lang kami ni Benjie Paras kaya nalimutan ko tuloy itanong bakit sila nanduon. Gusto ko iyon ugali ni Kobe na very transparent sa feeling niya,” lahad pa ni Manay.

Sey pa ng beteranang manunulat patungkol sa ugali ng professional basketball player, “Ipinakikita niya kung ano ang nararamdaman niya hah hah hitsurang ma snob niya mga tao na feeling niya hindi niya kakampi.

“But not for anything bagay sila Kobe Paras at Kyline Alcantara.

“Sana nga magtagal at mag ending sa altar ang relasyon nila. Kahit hindi nila ako invite, hah hah, kaloka talaga,” pahayag pa ni Manay Lolit.

Read more...