Andrea inakusahang nagpa-VIP treatment sa Olivia Rodrigo ‘GUTS’ concert

Andrea inakusahan ng VIP treatment sa Olivia Rodrigo 'GUTS' concert

Olivia Rodrigo at Andrea Brillantes

INAKUSAHAN ng netizens si Andrea Brillantes na nagpa-VIP (very important person) treatment daw sa katatapos lang na “GUTS World Tour” concert ng Filipino-American singer na si Olivia Rodrigo.

Naganap ang naturang concert ng international artist sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan nitong nagdaang Sabado ng gabi, October 5.

Ayon sa mga nag-watch din ng concert ni Olivia, ginamit umano ni Andrea ang kanyang connection at impluwensiya kaya nabigyan siya ng front seat.

Pero agad naman itong pinabulaanan ng aktres sa pamamagitan ng pagpo-post sa kanyang Instagram stories ng paliwanag kung paano siya nakagetsing ng front seat sa “GUTS” concert.

Baka Bet Mo: Bagong gamot na itinurok kay Kris epektib: Kinaya ko the full dose!

Ani Andrea walang bahid ng katotohanan na binigyan siya ng VIP treatment, talagang kinarir daw niya ang pagpunta nang sobrang aga sa concert venue.

“I was the first one to line up sa que number lane namin omg HABABAHAHAHAHAHAHA,” ang  mababasa sa text caption ni Andrea sa unang litratong ipinost niya sa IG.


Kasunod nito, pinutakti na nga ng pangnenega si Andrea at nakatikim ng masasakit at malilisyosong salita mula sa bashers.

Paglilinaw ni Andrea sa naturang isyu, “Oopsiee- I just realized I worded that poorly, and it came off as me bragging about my spot.

“But y’all got it wrongggg. Ehat I meant to say was sa aga ko pumila kaninang umaga I ended up first in line in my queue number lane.

“Kaya ako lang tao nandun bc I lined up very early for it. It wasn’t VIP treatment or anything magical,” ang paliwanag pa ng aktres.

Read more...