Lola tinanggap sa kilalang fast food, ano kayang ibinigay na trabaho?

Lola tinanggap sa kilalang fast food, ano kayang ibinigay na trabaho?

Photo from Facebook

UMANI ng papuri ang management ng isang fast food chain dahil sa pag-hire sa isang lola na binigyan nila ng pagkakataong makapagtrabaho uli.

Viral ngayon sa social media matapos pag-usapan ng mga netizens ang Facebook post ng “The Big News”  tungkol sa senior citizen na nagwo-work sa isang fast food.

Ang trabaho na ibinigay kay lola ng management ng nasabing fast food ay batiin ang mga pumapasok na customers.

Baka Bet Mo: Marian, Dingdong planong kumuha ng franchise ng isang kilalang fast food chain para kina Zia at Sixto

“A Senior Citizen was hired and her job is to greet people who enters Chowking (SM Novaliches),” ang nakalagay sa caption ng netizen na may username na “cayeeeherrera.”

Sabi ng uploader ng naturang post, nakachikahan daw niya si lola at nagsabing happy naman siya sa kanyang apat na oras na trabaho sa naturang establishment.

“Had a small talk with Nanay, and she said, she works for 4hrs and masaya sa ginagawa niya. Ang cute,” ayon pa sa post ng netizen.

Maraming naantig at natuwa sa nasabing post kasabay ng pagpuri sa mga taong namamahala sa nasabing fast food.

“Ganyan mga work ng Senior Citizen sa Canada. Nice naman na adapt na rin dito sà Pinas”

“Nakakasad at nakakahappy at the same time. sad kasi i wish mga seniors natin enjoys their retirement at no need na mag work to support their fam. happy rin kasi nga may opportunity parin sa kanila to work para mafeel nila na may purpose parin sila.

“Kudos! At least you’re making her special at her age. It’s rare to see a company that hires senior. So this is above and beyond at Dapat po kayong tularan. God bless you more.”

“Yes…indeed…no age limits when it comes to this matter…sa angeles area sa pampangga no doubts na madaming kagaya ni nanay na masayang nagwowork.”

“YES IF KYA PA, YAKANG YAKA. PWEDE HIRED.. GANYAN SA IBANG BANSA KAHIT MY EDAD IF PWEDENG MKATULONG SA MGA SENIOR AT KAYA PANG MAG WORK.”

“Sana marami pang ganitong opportunities for them lalo na kung ang mga anak ay nagmamalaki na sa magulang.”

“THIS, I hope companies especially the big ones implement this cause this would be a great help for the old whom think they have nothing to do anymore and felt lonely, and also especially To those homeless people, you know those people who’ll greet you while entering establishment even tho they’re dirty and ain’t working there just to have some spare change, I think they will be suit in this kind of Job.”

“Dpt talaga bigyan priority mga senior sa atin kc sa ibang bansa binibigyan pdin sila ng trabaho na ndi nman gaano kabigatan para may pang-tustos pdin sila sa sarili nila. Sana talaga marami pa ang mag-hire ng ganyan sa mga senior ntin d2 sa pinas kc d2 sa amin sa rizal meron din senior na nagtratrabaho sa ganyan KFC nman yung senior na nakita ko na nagtratrabaho d2 sa amin.”

Read more...