Rufa Mae hindi in-expect na mabibigyan pa ng 2nd chance sa showbiz

Rufa Mae hindi in-expect na mabibigyan pa ng 2nd chance sa showbiz

Rufa Mae Quinto at Athena Magallanes

TOP priority pa rin ni Rufa Mae Quinto ang kanyang 7-year-old na anak na si Athena at ang husband niyang si Trevor Magallanes.

Kahit kaliwa’t kanan ang trabaho niya ngayon sa entertainment industry at sobrang busy ng kanyang schedule, sinisiguro pa rin ni Rufa Mae na nabibigyan niya ng sapat na oras at atensiyon ang kanyang pamilya.

Matagal-tagal ding namalagi ang komedyana sa Amerika nitong mga nagdaang taon kaya naman aminado siyang nasabik magtrabaho sa harap ng mga camera.

Baka Bet Mo: Rufa Mae hirap na hirap pa ring makipag-usap sa English pag nasa US; inalala ang pagbili sa kanya ni Heart ng sapatos

Bukod sa mga TV guesting, semi-regular din siyang napapanood sa Kapamilya noontime show na “It’s Showtime” bilang isa sa mga hurados sa segment ma “Kalokalike”.

“Na-miss ko (ang showbiz). Pero, ang laging iniisip ko ang anak ko. Pero parang siya na rin mismo ang nagsasabi na parang siya na rin ang sagot sa lahat ng (offer) na, ‘Ano, tatanggapin ko ba? Baka kailangan pa niya ako.’


“Pero siya na rin mismo ang nagsasabi na, ‘sige mag-work ka na muna,” ang pahayag ni Rufa Mae sa presscon ng pelikulang “Mujigae” kung saan meron siyang super special cameo role.

Hindi in-expect ng aktres na mabibigyan pa siya ng second chance sa showbiz dahil nga ilang taon din siyang nawala sa Pilipinas matapos hindi makauwi mula sa Amerika noong panahon ng COVID-19 pandemic.

“Actually hindi (inasahang makakabalik pa sa showbiz). Hindi ko rin alam kung ano ang…kinuwestiyon ko rin nga ang sarili ko noon and ganu’n pala after nu’ng pandemic.

“Sabi ko ‘Ano ang kahihinatnan ko? Ganito lang?’ Maganda naman ang buhay ko, pero normal na tao, wala akong katrabaho doon ‘yung alaga lang – housewife, mommy, ganyan. Tapos sabi ko, ‘bakit ganito?’ kasi nasa US ka na e,” pahayag ni Rufa Mae.

Nang makauwi na nga siya sa Pilipinas, nasagot ang mga tanong niya noong nasa US pa at namamahinga mula sa mundo ng showbiz.

“Pero alam mo pagbalik ko, ‘yung tanong hindi lang pala tanong ko, tanong rin pala ng lahat na, ‘ano na ba, ganito na lang ba tayong lahat?’

“So, magmula noon ayun na. Basta masaya ako, ‘yun na lang ang dahilan kung bakit ako mandito sa showbiz. Kaya lagi akong good vibes, kasi kumpleto na, nagkapamilya ako, I’ve been here, done that till there and everywhere,” sey pa ng komedyana.

In fairness, love na love pa rin ng madlang pipol si Rufa Mae, patunay diyan ang laging pagba-viral ng mga eksena niya sa “It’s Showtime.”

“Nag-e-enjoy ako pero parang hindi ko na rin alam kung bakit nangyari ‘yun. Siguro kapag mabuti kang tao, nakakatuwa ka, may magaganda rin na jokes siguro kasi ang generation ko, ‘di ba?


“Eh, ang generation ko lahat na ng millennial, Gen Z, XX at kung ano man ‘yung generation, nandu’n ako eh, kaya ngayon alam ko siguro ‘yung joke hanggang baby pati tita. Lola na lang hindi ko alam,” natawang sey pa ni Rufa Mae.

Samantala, speaking of “Mujigae” (Rainbow), this is a story about how a five-year old kid can heal broken bonds. Bida rito ang “Mini Miss U” na si Ryrie Sophia na gumaganap bilang si Mujigae.

Isang masayahin at mabait na bata si Mujigae na inaalagaan ng kanyang tiyahing si Sunny na ginagampanan ng Kapamilya actress na si Alexa Ilacad.

Susubukin ng tadhana ang kanilang masayang pamumuhay sa pagdating ng tunay na tatay ni Mujigae na bibigyang-buhay naman ng South Korean actor na si Kim Ji Soo. At dito na nga magsisimula ang twists and turns sa kuwento.

Kasama rin sa movie na idinirek ni Randolph Longjas under Unitel Pictures sina Richard Quan, Donna Cariaga, Kate Alejandrino, Anna Luna at Cai Cortez.

Mapapanood na ang “Mujigae” exclusively sa mga SM Cinema simula sa October 9.

Read more...