DINA may problema sa mukha kaya hirap na hirap magsalita; Nahawa raw sa face ni MARIA | Bandera

DINA may problema sa mukha kaya hirap na hirap magsalita; Nahawa raw sa face ni MARIA

Reggee Bonoan - November 13, 2013 - 03:00 AM


MAY nag-text sa amin noong Lunes ng gabi habang nanonood ng Bukas Na Lang Kita Mamahalin, “Anyare kay Dina Bonnevie? Bakit nangangalawang na?”

Hindi naman kami sinagot ng nag-text kung anong eksena ang napanood niya para masabi niya na nangalawang ang aktres na kontrabidang nanay ni Rayver Cruz.

Para sa amin ay okay naman ang acting ni Dina bilang kontrabida dahil bumagay sa mataray niyang itsura kumpara kay Dawn Zulueta na maski yata kontrabida ang role ay bida pa rin sa paningin ng tao dahil nga maganda at fresh pa rin.

Hindi namin sinabing hindi na maganda si Dina, medyo napapansin lang namin na parang may something sa mukha niya kapag nagsasalita dahil hirap magbitaw ng linya.

Parang ‘yung face rin ni Maricel Soriano na hirap ding magsalita sa presscon ng “Momzillas” dati. Anyway, kung kailan patapos na ang Bukas Na Lang Kita Mamahalin ay saka pa namin hindi napapanood dahil parati kaming wala sa bahay.

Pero sa nalalapit na pagtatapos nito sigurado raw na may aabangan pang twist ang viewers. Samantala, how true na pagkatapos ng nasabing programa ay magpapahinga raw muna si Ms. D dahil napagod daw ito siya sa nasabing serye.

E, di ba matagal ng tapos ang taping nito?  Paano siya napagod? Tungkol naman kay Gerald, wala pa rin kaming idea kung ano ang magiging kasunod na proyekto ng aktor sa ABS-CBN, wala rin kaming nababalitaan na gagawin niyang pelikula.

At higit sa lahat, tahimik din ang relasyon nila ng girlfriend na si Maja Salvador kaya wala tayong masyadong nababalitaan sa personal niyang buhay.

Dalawa lang naman ang ibig sabihin niyan kapag tahimik ang relasyon ng isang showbiz couple – pwedeng going smooth ang pagsasama dahil wala ngang intriga, o may nagaganap na hindi maganda.

( Photo credit to Google )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending