Artistang kakandidato sa Eleksyon 2025 kumpirmadong corrupt
CURIOUS kami kung sino ang binanggit ni Ogie Diaz tungkol sa kakilala niyang artistang kakandidato sa eleksyon next year na “corrupt” – iisa kaya ang nasa isip namin?
Sa “Showbiz Update” vlog nila ni Mama Loi na napapanood ngayon sa YouTube channel nila ay isa-isang binanggit ni Ogie ang mga tatakbong artista na nag-file na ng kanilang Certificate of Candidacy para sa halalan sa May, 2025.
“Hindi naman natin minemenos ang kanilang kapasidad na makapaglingkod sa kanilang jurisdiction o constituents,” say ni Ogie.
Baka Bet Mo: Piolo corrupt na politiko sa Pamilya Sagrado, may pinatatamaan ba?
“Nu’ng ibalita nga nating una na may mga artistang tatakbo ang daming nag-comment na wala na raw bang mga career kaya magpo-politika na at ‘yung iba mag-artista na lang,” sabi naman ni Mama Loi.
“Unang-una sino naman tayo para magkuwestiyon sa kanila. Iisa-isahin muna natin ang update ng mga tatakbo tulad nina David Chua ng 2nd District ng Manila, Jay Manalo kung totoong tatakbo ba, si Wendell Ramos sa 4th District ng Manila, si Rosmar Tan sa District 2 ng Manila.
“Si Boss Toyo ba tatakbo (sabay pakita ng larawang may hawak na CoC)? Si Joaquin Domagoso, ‘yung anak ni Isko Moreno tatakbong konsehal sa Manila, Si Jhong Hilario ay hinto muna dahil nakatatlong term na at tatay naman niya ang tatakbo.
“Si Monsour del Rosario ay tatakbong runningmate ni Nancy Binay bilang mayor sa Makati, si Neil Coleta ay konsehal ng Dasmariñas, Cavite, si Aiko Melendez ay tatakbo bilang reeleksyonista bilang konsehal sa District 5 ng Quezon City, si Ion Perez sa Tarlac,” sabi ni Ogie.
Siyempre isinama rin ang pangalan nina Ms. Vilma Santos-Recto, Luis Manzano at Ryan Christian Recto na maraming bashing na natatanggap dahil political dynasty daw, pero natuwa si Ogie dahil walang nagsabing corrupt si Ate Vi.
May nagkomento na babawiin daw ni Luis ang naluging pera sa negosyo na ipinagtanggol naman ni Ogie na bagamat malaking halaga ang nawala sa TV host ay hindi niya ito ikahihirap kaya malabong mangurakot dahil tiyak na lagot siya sa nanay niyang si ate Vi.
“Saka magdadalawang-isip si Luis na mangurakot kasi ‘yang mga ganyang artista ay pinangangalagaan nila ang pangalan nila,” diin ni Ogie tungkol sa panganay ni Ate Vi.
Sabay hirit ni Ogie, “Hindi naman lahat ng artista (hindi kurakot) kasi may kilala akong artistang tumatakbo, dyusko corrupt talaga!”
Tanong ni Mama Loi, “Ha? Sang lungsod?”
Sabay hampas ni Ogie kay Mama Loi, “Wag ka nang maingay, ‘wag ka nang gumanyan Loi!”
Tumawa naman ang co-host ni Ogie na halatang inaasar siya dahil tiyak na alam na niya kung sino.
Kami rin ay tawa nang tawa habang pinapanood namin ang dalawa dahil kilala rin namin ang artistang sinasabing corrupt. Ha-hahaha!
Kaya rin naming nasabing kilala namin ay dahil may witnesses kami at pinatotohanan ito sa amin ng mga taong may kinalaman sa project management at pagri-release ng pondo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.