Pia mas malaki ang ‘kinita’ sa Paris kesa kay Heart, bardagulan pa more

Pia mas malaki ang 'kinita' sa Paris kesa kay Heart, bardagulan pa more

Heart Evangelista at Pia Wurtzbach

MUKHANG mas titindi pa ang pang-iintriga kina Pia Wurtzbach at Heart Evangelista ngayong nag-unfollow na sila sa Instagram sa isa’t isa.

Naniniwala na ngayon ang madlang pipol sa chikang may alitan o hindi pagkakaunawaan ang dalawang aktres at fashion icon na matagal nang usap-usapan sa social media.

Baka Bet Mo: Pia Wurtzbach muling nagbilad ng kaseksihan sa Greece, pinaapoy ang socmed: ‘Grabe naman!!!’

Nabalita ang tungkol sa pag-unfollow nina Heart at Pia sa isa’t isa pagkatapos lumabas ang ranking ng mga top influencers sa Milan Fashion Week Spring/Summer 2025 womenswear edition.


Milyones ang sinasabing involved sa tinatawag na media impact value (MIV) kung saan nagpatalbugan nga ang mga sikat na celebrities at influencers pagdating sa naging performance nila sa naturang international fashion week.

Ang MIV o tinagawag ding Earned Media Value (EMV) ay isa sa key metric “for evaluating the impact of unpaid media coverage on brands.”

Base sa fashion platform na Lefty, naungusan ni Pia si Heart base sa laki ng nakuha nilang MIV. Pumasok sa 4th post ang ating 2015 Miss Universe habang nasa 13th spot naman si Heart.

Kumita si Pia ng $7.59 million (MIV) mula sa 11 runway shows, kabilang na riyan ang Dolce & Gabbana, Boss, at Gucci.

Nag-earn naman si Heart ng $2.99 million from 16 shows, tulad ng Fendi, Diesel, at Gucci.

Also part of the list are K-pop stars Enhypen (first), aespa’s Karina (second), BTS’ Jin (third), NCT’s Jaehyun (seventh), and Twice’s Momo (10th).


Nasa 11th spot naman ang South Korean actress na si Moon Ga-young at ang Thai actor na si Gulf Kanawut ang nasa ika-12 position.

Dahil dito, nagkasagutan naman sa social media ang respective fans ng dalawang aktres at fashion icon. Asar-talo ng supporters ni Pia ang followers ni Heart dahil sa isyu ng kinita sa Paris Fashion Week.

Wala naman daw palang binatbat ang wifey ni Senate President Chiz Escudero sa asawa ni Jeremy Jauncey pagdating sa MIV. Napakalayo raw ng agwat ng dalawa pagdating sa kinita nila sa pinag-uusapan pa ring Paris Fashion Week.

Pero siyempre, ipinagtanggol din si Heart ng kanyang mga fans at sinabing marami pang dapat patunayan si Pia para matawag na fashion icon.

Read more...