Bea, Louise inggit ba sa ‘superstar’ status nina Alden at Barbie?

Bea, Louise inggit ba sa 'superstar' status nina Alden at Barbie?

Barbie Forteza, Louise delos Reyes, Bea Binene at Alden Richards

NAIINGGIT nga ba sina Bea Binene at Louise delos Reyes sa mga kasabayan nila noon sa GMA 7, lalo na kina Alden Richards, Barbie Forteza at Julie Anne San Jose?

Una silang nagkasama-sama sa dating youth-oriented show ng Kapuso Network na “Tween Hearts” na ipinalabas noong 2010 at tumagal hanggang 2012.

Nagdesisyong umalis sa GMA sina Bea at Louise habang nanatili naman bilang Kapusi sina Alden, Julie Anne at Barbie na itinuturing na ngayon prime artists ng network.

Baka Bet Mo: Rebelasyon ni Louise delos Reyes sa relasyon nila noon ni Alden Richards: ‘Kapag nag-aaway kami, para kaming magdyowa’

Marami ang nagsasabi na malayung-malayo na ang narating nina Alden, Barbie at Julie Anne sa entertainment industry habang steady lang ang takbo ng career nina Bea at Louise.


Sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda” kina Louise at Bea ay diretsahan silang natanong kung may napi-feel ba silang inggit o insecurity s mga kasabayan nila na may superstar status na ngayon.

Sagot ni Bea, “No ako, Tito Boy, I’m just proud of them lalo na si Barbie kasi we saw each other no’ng birthday ko last year so nag-catch up talaga.

“Ako, proud lang po talaga, we’re really very proudest. Yun nga lang sinasabi ko, ‘pahinga ka,’ ganyan. ‘Kaya mo ba?’ kasi siyempre she’s very busy but, all in all, I’m just very, very proud of her,” lahad pa ni Bea.

Wala rin daw nararamdamang inggit si Louise kina Alden, Barbie at Julie Anne. Naniniwala raw siya na may kanya-kanyang destiny ang bawat tao sa mundo.

In fairness, sumikat din naman noon ang loveteam nina Louise at Alden sa GMA kung saan nakagawa sila ng ilang hit teleserye, kabilang na ang “Magkaibang Mundo” noong 2016.

Pagkatapos nga nito ay biglang nawala ang kanilang tambalan dahil sa pagsikat ng AlDub nina Alden at Maine Mendoza sa “Kalyeserye” ng “Eat Bulaga.”

Inamin niya na talagang naapektuhan siya noong bina-bash siya ng AlDub fans ngunit naka-move na raw siya nang bonggang-bongga.

“Ngayon nasa posisyon na, especially, ako na better head space. Dati kasi iniisip mo, ano ba ‘yan, laging dinadawit ako ganyan, parang lahat ng sabihin ko mali.

“Kasi ngayon, naiintindihan ko na where they (fans) are coming from so mas okay na ‘ko ngayon in terms of handling those kinds of bashing,” aniya.


Samantala, magkasama ngayon sina Bea at Louise sa latest horror movie ng Viva Films, ang “Pasahero” na showing na sa October 30 sa mga SM Cinema nationwide.

Isa ang “Pasahero” sa mga horror movies na kasali sa inaabangang “Sine Sindak: Ang Ika-5 Yugto” na ipalalabas exclusively sa mga SM Cinema simula October 30 hanggang November 5.

Bongga ito dahil sa halagang P150 per screening ay mae-enjoy mo na ang  horror treats ng “Sine Sindak” ngayong taon at kung gusto n’yo naman ng all-day takutan, sa halagang P300, makakakuha na kayo ng all-day pass sa lahat ng entries.

Read more...