Kyline, Kobe nag-beach kasama ang loved ones, ‘friends’ pa rin ba?!

Kyline, Kobe nag-beach kasama ang loved ones, ‘friends’ pa rin ba?!

PHOTO: Instagram/@_kokoparas

UNTIL now, marami pa rin ang curious sa “real score” ng aktres na si Kyline Alcantara at basketball player na si Kobe Paras.

Ito ay matapos silang magbakasyon sa beach ng Infanta, Quezon kamakailan lang.

Sa interview ng GMA Integrated News, inamin ng dalawa na mas nag-enjoy sila sa kanilang outing dahil kasama nila ang pamilya ng young actress at ilang mahal nila sa buhay.

“Masaya po dahil kasama namin ‘yung parents ni Ky, so it gives me a chance to bond with them and to get to now each other better,” sey ni Kobe.

Chika pa niya, “Basically, it is our second time by the beach, so it’s gonna be interesting to do activities this time. Kasi ang first time po namin sa China.”

Baka Bet Mo: Kobe Paras na-‘friendzone’ nga ba si Kyline Alcantara: ‘Girlfriend agad?’

Dagdag naman ni Kyline, “Kami kasi ni Kobe, we really love nature tsaka ayun nga bonding with him and family ang my beautiful lolas…and tita!”

Siyempre, agad na rin silang inusisa ng entertainment reporter kung ano na nga ba ang tunay na relasyon nila sa isa’t-isa.

Safe pa rin ang answer ni Kyline na ang sabi ay, “Ako naman po, ang laging sagot ko diyan is to see is what you get.”

“Again, sinabi ko na ito before, it’s not my responsibility to explain or confirm nor deny anything [about us],” saad niya.

Ang pabirong sagot naman ng basketball player, “Meron akong famous quote [sa] online ngayon eh. So we’re just friends, we’re just friends.”

Kahit hindi pa diretsahang inaamin ng dalawa ang namamagitan sa kanila, naniniwala ang madlang pipol na matagal na silang magdyowa lalo na’t madalas silang spotted na sweet na sweet sa isa’t- isa.

Ang huling update pa nga sa dalawa ay ‘yung pagrampa nila sa New York Fashion Week na kung saan ibinandera pa mismo ng ina ni Kobe na si Jackie Forster ang isang short Instagram Reel.

Base sa palitan ng mensahe sa IG nina Jackie at Kyline, mapi-feel mo na tanggap at suportado niya ang kung anumang espesyal na relasyon sa aktres at sa anak niyang basketball player.

Ang caption ng dating aktres, “We are so ready for it! Kobe walking at #NYFW for @milarri_.”

Sa comments section mababasa ang post ni Kyline na tatlong white heart emoji. 

Sinagot naman ito ni Jackie ng: “Sky is the limit for you two! (3 white heart emojis).”

Read more...