IBINANDERA at muling ipinagsigawan ni Aljur Abrenica sa buong universe ang abot-langit na pagmamahal para sa kanyang partner na si AJ Raval.
Pinusuan at ni-like ng mga netizens ang sweet message ni Aljur para kay AJ na ipinost niya sa kanyang Instagram account.
Dalawang litrato nila ni AJ ang ibinahagi ng hunk actor sa IG kung saan mababasa sa caption ang pagpapasalamat niya sa Vivamax star sa pagtanggap sa kanya nang buong-buo.
Sabi pa ni Aljur, ramdam na ramdam niya ang unconditional love na ibinibigay sa kanya ni AJ kaya naman wala na raw siyang mahihiling pa sa kanyang lovelife.
Mapapakinggan naman sa kanyang post ang background music ng kantang “Beautiful Things” ng American singer at songwriter na si Benson Boone.
Baka Bet Mo: AJ Raval nanindigang walang anak kay Aljur: Yearly na lang buntis ako!?
Narito ang kabuuan ng message ni Aljur kay AJ: “Thank you for embracing every part of me. Your unconditional love reminds me every day that being myself is enough.
“I’m so grateful to have you by my side, celebrating our beautiful journey together.”
Pinusuan at ni-like ng mga netizen ang post ni Aljur pero mas marami pa rin kaming nabasang negatibo at pang-asar na comments mula sa bashers na kumakampi pa rin sa estranged wife niyang si Kylie Padilla.
Narito ang ilang reaksyon ng mga IG followers ni Aljur.
“He left his wife and kids for other woman…yes it’s not aj, but instead of winning his family back he left them totally that makes kylie made a decision to a point of no return. To Aj, how are you so sure you’ll be his last?”
“Iniwan ang Asawa at dalawang anak. Kagaling.”
“Mas pinili ang ibang babae kaisa ayusin ang pamilya mga lalake talaga.”
“Iiwan ka din nyan pagkatapos anakan o nagsawa na sayo. Hay naku enjoy2x lang for now. Okay lang yan ganun talaga we need to have fun but some people it’s all about fun.”
“Kapal ng pagmumuka.”
“Please always be nice here. Maging masaya nalang tayo para sa kanila.”
“Sana yan na mging forever mo po nkakahinayang nga lng sila ni kylie kasi bagay na bagay sila.”
“They both happy and inlove. pag aralan nyo rin wag makialam sa buhay ng iba dahil di ka din naman perpect.”