Heart emosyonal, naiyak sa last day ng Paris Fashion Week, bakit kaya?

Heart emosyonal, naiyak sa last day ng Paris Fashion Week, bakit kaya?

PHOTO: Instagram/@iamhearte

EMOSYONAL at hindi napigilang maluha ng fashion icon na si Heart Evangelista sa pagtatapos ng Paris Fashion Week kamakailan lang.

Sa Instagram, ibinandera ni Heart ang isang mini vlog na ipinapakita ang ilang moments ng kanyang last day sa Paris, kasama ang kanyang bagong glam team.

Makikita sa video ang pagiging busy ng actress-model na bukod sa pagdalo sa fashion events ay pinagkasya niya rin sa isang buong araw ang pagfi-fit ng mga damit at ilang meetings.

Ipinasilip niya rin ang tradisyon niya tuwing huling araw ng fashion week –ang pagbibigay ng kape, pastries at simpleng regalo sa mga photographer ng event.

Bandang huli, makikita si Heart at ang kanyang team na nagpi-picture na hagip ang view ng Eiffel Tower, at diyan na sila naging emosyonal at nagkaiyakan.

Baka Bet Mo: Heart Evangelista, Pia Wurtzbach naka-unfollow na sa isa’t isa sa Instagram

Unang nagsalita si Kristine Ira Lesaca, ang talent management specialist ng Sparkle GMA Artist Center, na nagpapasalamat sa fashion influencer dahil sa naging experience nila sa fashion week.

“We’ll always fight for you no matter what. We’ll fight for you dear, no matter what. Maniwala ka sa’min. Iba kami,” sey niya at sabay yakap kay Heart.

Paliwanag naman ng aktres, “Kaya ako umiiyak kasi kanina nagdasal ako na sana okay lahat kasi nag-pictorial ako dati dito, iba ‘yung mga kasama ko.”

Ang tinutukoy niya riyan ay ‘yung dati niyang glam team kabilang na ang makeup artist na si Justin Louise Soriano at hairstylist na si Jeck Aguilar.

Dagdag pa ni Heart, “Kaya parang sabi ko, in Jesus’ name, sana kung meron akong pagkukulang sa nakaraan ko, sana talagang mabigay ko sa inyo kasi I really want you guys to be happy.”

Sa caption ng IG post, muling inihayag ng misis ni Senate President Chiz Escudero ang kanyang pasasalamat sa bago niyang glam team.

“For everything has a reason…trust that all is always for the best [folded hands, hert emojis] forever grateful [heart emoji] to be blessed by every single one of YOU,” wika niya.

Kung matatandaan, nagkaroon ng falling out si Heart at ang dati niyang glam team dahil sa chikang pangit daw na ugali at hindi magandang pagtrato ng fashion icon sa grupo.

Bukod dito ay nabalita ring ginamit at sinagad ang credit card limit ni Heart nina Justin at Jeck para sa personal nilang pangangailangan.

Hanggang ngayon, wala pa ring malinaw na dahilan sa mga nangyaring isyu at kontrobersiya.

Pero ang huling hugot lang noon ni Heart kaugnay sa pagre-resign ng dating glam team niya ay, “Life is like that. Madami tayong pagdadaanan with our careers, with our personal life.

“But everything’s for a reason, and everything is for us to be stronger so we can face anything else in life. So, I am very happy,” wika pa ng aktres sa dating interview.

Read more...