Teaser ng ‘Hello, Love, Again’ nina Kathryn at Alden milyones na ang views

Teaser ng 'Hello, Love, Again' ng KathDen milyones na ang views

Kathryn Bernardo at Alden Richards

ANG ingay-ingay ng upcoming movie na “Hello, Love, Again” nina Kathryn Bernardo at Alden Richards na idinirek ni Cathy Garcia-Sampana kahit sa Nobyembre 13 pa ito ipalalabas.

Simula pa nu’ng i-shoot ito sa Calgary, Canada ay maingay na ang pelikula dahil na rin sa kaliwa’t kanang postings ng mga kababayang Pinoy na nakapanood sa shooting.

Milyones na ang inabot ng teaser ng pelikula kung saan ang eksena ay umorder ng kape si Kathryn as Joy sa coffee shop kung saan nagtatrabaho si Alden as Ethan.

Dialogue ni Ethan, “One shot Americano for Joy” pero kaagad itong kinorek ng dalaga, “for Marie”. Biglang lumabas sa eksena ang karakter ni Joross Gamboa at ang pangalang “Joy” pero sinagot siya ng “Joy is gone.”

Baka Bet Mo: Alden dream come true ang part 2 ng ‘HLG’: Parang panaginip lang!

Sa sinabing “Joy is gone” ay ibig bang sabihin hindi nagkatuluyan sina Joy at Ethan? O, dito pa lang magsisimula ang kuwento?

Bigla tuloy naming naaala ang pabirong sagot ni Kira Balinger sa nakaraang premiere night at mediacon ng “Maple Leaf Dreams” sa tanong kung pinreempt nila ang “Hello, Love, Again” dahil sa Canada rin ang setting ng pelikula nila ni LA Santos.


Sabi ng aktres, “Para sa akin I believe that every OFW story is different. I mean, we may have the same location po as Hello, Love, Again.

“Pero malay po natin baka na magiging sad yung ending nila, sa amin happy,” aniya pa.

At dahil diyan ay mas lalong na-curious ang netizens sa KathDen movie kung ano nga ba ang magiging takbo ng love story nina Joy/Marie at Ethan sa part 2 ng “Hello, Love, Goodbye” handog ng Star Cinema.

Read more...