Willie Ong sure na, tatakbong senador sa 2025 kahit may sarcoma cancer

Willie Ong sure na, tatakbong senador sa 2025 kahit may sarcoma cancer

Doc Willie Ong

SA kabila ng pagkakaroon ng sarcoma o abdominal cancer, nagdesisyon pa rin ang Doktor ng Bayan na si Wille Ong na tumakbo sa 2025 elections.

Kakandidatong senador si Doc Willie sa magaganap na eleksiyon sa darating na May, 2025 kahit na patuloy pa rin siyang nakikipaglaban sa kanyang cancer.

Sa pamamagitan ng Facebook Live ngayong araw, in-announce ni Doc Willie na maghahain siya ng kanyang certificate of candidacy (COC) sa pagkasenador through his wife, Dr. Anna Liza Ramoso.

“Magpa-file po ako for senator. I’ll be filing for senator on October 2, Wednesday.

“Nagawa ko na ‘yung papeles, na-notarize ko na. Si Doc Liza, siya ang magpa-file ng sa akin pero ako ang tatakbo,” pahayag ng palabang doktor.

Baka Bet Mo: Pagod na pagod, nanghihina: 10 tips para labanan ang stress sa life

Tatakbo ang cardiologist at health advocate bilang independent candidate sa senatorial race at mangangampanya siya sa pamamagitan ng social media.

“I’ll do it the cleanest way. Hindi tayo connected sa admin, Duterte, opposition. Ako lang mag-isa, no one else.

“If they help me, thank you. Pag hindi, thank you. Wala akong utang, wala akong hinihingi, walang kapalit,” sabi pa ni Doc Willie.

“Tatakbo tayo, ipapakita natin tunay ang Diyos,” dagdag pa niya.

Kahit matinding sakit at paghihirap ang nararamdaman ngayon ni Doc Willie dahil sa kanyang sarcoma o abdominal cancer ay napakapositibo pa rin ng kanyang pananaw sa buhay.

Alam ng dating vice presidential candidate na anumang oras ay pwede na siyang kunin ni Lord, pero sa kabila nito ay ipinagdarasal pa rin niya na pahabain pa ang kanyang buhay kung meron pa siyang misyon sa mundo.

“It’s 50-50, 50% to live a few more months, a year, 50% na anytime baka hindi na huminga,” ang pahayag ng doktor sa panayam ng “Kapuso Mo, Jessica Soho”.

Patuloy na pagbabahagi ni Doc Willie, “Parang walang kasiguraduhan eh. Every day is a blessing. I just live every day. I don’t think of next month, next year.”

Aniya pa, grabe ang sakit na nararamdaman niya sa tuwing aatake ang kalupitan ng kanyang cancer at tinawag pa niya itong “the worst pain.”

“It’s 10 out 10. Buong gabi, hindi kami natutulog ni Doc Liza (asawa niya). Sigaw ako nang sigaw, hihiyaw ka sa sakit talaga,” pahayag pa ni Doc Willie.

Isa raw sa mga realization niya nang tamaan ng sarcoma cancer, “I think the purpose of this life is just to finish your mission.”

Noong 2022, naging runningmate ni presidential candidate at dating Manila Mayor na si Isko Moreno si Doc Willie under Aksyon Demokratiko party. Una nang tumakbo ang doktor ng bayan sa pagkasenador noong 2019 pero natalo.

Naging consultant siya ng Department of Health noong 2010 hanggang 2014.

Read more...