PBBM nagdeklara ng 5 ‘special non-working’ holidays para sa Oktubre

PBBM nagdeklara ng 5 ‘special non-working’ holidays para sa Oktubre

ANG saya naman sa Oktubre, lalo na sa ilang lokalidad ng bansa!

Naglabas kasi si Pangulong Bongbong Marcos ng ilang proklamasyon na nagdedeklara ng “special non-working holidays.”

Ayon sa Presidential Communications Office, ito ay nilagdaan na ng Executive Secretary Lucas Bersamin.

Ang mga idineklarang holidays ay para mabigyan ng oras ang mga residente na ipagdiwang ang ilang mahalagang kaganapan sa kanilang lugar, kabilang na ang festival, foundation o commemoration.

Baka Bet Mo: Dawn Chang nainsulto sa ginawa ni Toni Gonzaga: Alam kong magtatampo si Kuya

Narito ang listahan ng mga lugar at petsa na walang pasok:

Infanta, Pangasinan (October 4) – Proclamation No. 693, selebrasyon ng ika-148th founding anniversary

Lapuyan, Zamboanga del Sur (October 16) – Proclamation 694, selebrasyon ng ika-67th founding anniversary

Negros Oriental (October 25) – Proclamation 695, Buglasan Festival

Angeles City, Pampanga (October 26) – Proclamation 696, Tigtigan Terakan Keng Dalan Festival

Dingle, Iloilo (October 28) – Proclamation 697, Commemoration of Cry of Lincud

Read more...