Dawn Chang nainsulto sa ginawa ni Toni Gonzaga: Alam kong magtatampo si Kuya | Bandera

Dawn Chang nainsulto sa ginawa ni Toni Gonzaga: Alam kong magtatampo si Kuya

Therese Arceo |February 10,2022
facebook
share this

Dawn Chang nainsulto sa ginawa ni Toni Gonzaga: Alam kong magtatampo si Kuya

Therese Arceo - February 10, 2022 - 02:37 PM

Dawn Chang nainsulto sa ginawa ni Toni Gonzaga: Alam kong magtatampo si Kuya
LABIS ang pagkadismaya ng dating “Pinoy Bog Brother” housemate na si Dawn Chang kay Toni Gonzaga matapos ang kontrobersyal nitong pagho-host sa nagdaang proclamation rally nitong Martes, February 7.

Matatandaang marami ang pumunta sa panganay na kapatid ni Alex Gonzaga nang maging parte siya ng proclamation rally nina presidential candidate na si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kasama ang running mate nitong si Davao City Mayor Sara Duterte.

Pero mas marami ang naimbyerna sa aktres nang i-endorso niya sa pagkasenador si Rep. Rodante Marcoleta, isa sa mga kongresista na bumoto kontra sa pagbibigay ng ABS-CBN franchise renewal na naging sanhi ng pagkawala ng trabaho ng libu-libong empleyado ng Kapamilya network.

Kaya naman buong tapang na tinawag ni Dawn Chang ang pansin ng aktres sa kanyang social media accounts.

“I am deeply insulted and disappointed by the actions of my fellow kapamilya actress Ms. Toni Gonzaga. Paano nyo po nasikmurang suportahan at tulungan ang mga taong may malupit na nakaraan sa kasaysayan ng bansa at sa pagkawala ng trabaho ng mga kasama natin sa industriya? As a former PBB housemate, alam kong magtatampo nyan si Kuya,” diretsahang saad ng “Pinoy Big Brother: 737” 4th Big Placer.

Ani Dawn, hindi nita kayang manahimik kahit na ito ang mas “safe” na gawin lalo na ng mga artista.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by 𝙳𝙰𝚆𝙽 𝙲𝙷𝙰𝙽𝙶 (@thedawnchang)

“It is my privilege to lend my small voice in this battle for the soul of our country.

“If this is my biggest fight, then I will forever cherish standing up to what I believe in. Hindi po pera pera. Heto po ay laban ng prinsipyo. I want for all of us to say “Hello” to a better Philippines,” dagdag pa ni Dawn.

Giit pa niya, patuloy siyang lalaban kasama ang mga Kapamilya at kapwa Pilipino.

Naglabas ng saloobin si Dawn matapos kumpirmahin ni Toni Gonzaga ang kanyang pag-alis bilang main host ng reality show na “Pinoy Big Brother” kung saan naging bahagi siya for 16 years.

In-endorse rin ng TV host-actress sa kanyang mai hosting job sa kaibigang si Bianca Gonzalez.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Suportado naman ng pamunuan ng PBB ang desisyon ng aktres at nagpasalamat rin ang mga ito sa nagging kontribusyon nito sa programa base sa official statement na inilabas kahapon, February 9.

Related Chika:
Justin Cuyugan hiwalay na raw kay Dawn Chang: Let this be a warning to everyone…
Sey mo Justin Cuyugan sa hugot ni Dawn Chang: Maalaga, mapagmahal, hindi pabigat at may goal sa buhay…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending