Sey mo Justin Cuyugan sa hugot ni Dawn Chang: Maalaga, mapagmahal, hindi pabigat at may goal sa buhay... | Bandera

Sey mo Justin Cuyugan sa hugot ni Dawn Chang: Maalaga, mapagmahal, hindi pabigat at may goal sa buhay…

Reggee Bonoan - July 26, 2021 - 06:16 PM

KUNG pawang quotations ang laman ng Instagram account ng aktor na si Justin Cuyugan na puro tungkol sa ugali ng tao ay iba naman ang trip ng ex-girlfriend niyang si Dawn Chang.

Puro pagluluto at pagbi-bake naman ang ipino-post ng actress-dancer sa kanyang social media account.

Tila dedma naman ang dalaga sa mga hinaing ng dating dyowa at curious kami sa post niya ngayon (30 minutes ago habang sinusulat namin ang balitang ito) kung saan mabanggit niya ang mga katagang, “maalaga, mapagmahal, hindi pabigat at may goal sa buhay.”

Kasama ni Dawn ang mga kaibigan niya sa bahay sa kanyang post na may caption na, “Yung pinaka cute naming friend na si @armandurugas a.k.a Asian Cutie ay maalaga at mapagmahal, mabigat pero hindi pabigat.

“Kung kayo ay may kilalang single at naghahanap ng forever, tag nyo na sya at mamimili sya ng 1 lucky winner. P.S. Meron syang goal sa buhay,” sabi pa bni Dawn.

So more or less ay may ideya na ang publiko kung ano ang dahilan ng hiwalayan nila ni Justin?

Bukas ang BANDERA sa panig at reaksyon ni Justin Cuyugan sa naging pahayag ng dati niyang girlfriend.

* * *

Ang movie outfit na maituturing na walang pahinga ay ang Viva Films dahil kada ikalawang linggo ay may bago silang palabas na pelikula both foreign at local na ipinapalabas sa Vivamax

Ngayong Hulyo ay napapanood na rito ang Korean blockbuster movies na “Metamorphosis” at “The Throne.”

Ang mag-asawang Gang-goo (Sung Dong-Il) at Myung-Joo (Jang Young-Nam) kasama ang kanilang tatlong anak ay lumipat sa kanilang bagong bahay, ngunit doon nagsimula ang mga kakaiba at nakakatakot na pangyayari sa kanilang pamilya.

Hanggang sa ang demonyo ay nagpalit-anyo bilang isa sa kanilang pamilya at sinimulan silang saktan. Dito na tinawag ng kanilang panganay na anak ang kanilang tiyuhin na si Joong-Soo (Bae Sung-Woo), isang Paring Katoliko at nagsasagawa ng exorcism upang tulungan ang pamilya nila na labanan ang demonyo.

Sa Hulyo 29 naman, maglakbay sa unang panahon sa sinasabing pinakamalupit na kwento ng Joseon Dynasty sa pelikulang “The Throne.” Sa panahon ng paghahari ni Haring Yeongjo (Song Kang-ho), ito ay ang kwento ng buhay ni Crown Prince Sado (Yoo Ah-in), ang tagapagmana ng trono at sa edad na 27, ay dineklarang hindi karapat-dapat na maging hari. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

At dahil sa kanyang plano na patayin ang hari, hinatulan siya mismo ng kanyang ama at ikinulong siya sa isang maliit na kahon sa loob ng walong araw. Sa loob ng kahon, nagsimulang makakita nagprinsipe ng iba’t ibang halusinasyon na lalong nagpalala sa inaakalang sakit niya sa pag-iisip.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending