Carmina inaatake na ng sepanx sa pagtatapos ng ‘Abot-Kamay Pangarap’

Carmina inaatake na ng sepanx sa pagtatapos ng 'Abot-Kamay Pangarap'

Jillian Ward, Carmina Villarroel, Dominic Ochoa at Richard Yap

NGAYON pa lang ay inaatake na ng matinding “sepanx” o separation anxiety ang cast members ng GMA 7 hit series na “Abot-Kamay Na Pangarap.”

Isa na nga riyan ang isa sa lead stars ng serye na si Carmina Villarroel na umaming magkahalong lungkot at saya ang nararamdaman niya sa nalalapit na pagtatapos ng kanilang programa.

Sa ulat ng Kapuso morning show na “Unang Hirit”, binisita ng mga host na sina Shaira Diaz at Kaloy Tingcungco sa taping ng “Abot-Kamay Na Pangarap.”

Dito nga nakachikahan nina Shaira at Kaloy si Carmina na gumaganap na Lyneth, ang nanay ng karakter ni Jillian Ward.

Baka Bet Mo: Batang Quiapo, Abot-Kamay Na Pangarap, Black Rider isinumbong sa MTRCB

Ayon sa Kapuso actress, “Ayoko ngang isipin na matatapos na kami kasi nase-sepanx na ako. Ano kasi ako, e, clingy.”


Parang tunay na pamilya na raw talaga ang turingan nila ng kanyang co-stars pati na rin ang buong production staff.

“Umpisa pa lang, nag-jive na talaga lahat, wala akong problema sa kanila. Para talaga kaming isang pamilya,” ani Carmina.

Sey pa ni Mina, napakarami pang pasabog na dapat abangan ang manonood sa award-winning medical drama ng GMA. Sunud-sunod na raw ang mga nakakalokang twists and turns sa kuwento ng serye.

Nakakaaliw din ang ginawang TikTok video nina Shaira at Kaloy habang naka-break sa taping sina Kazel Kinouchi, Pinky Amador, at Jillian Ward.

Napapanood pa rin ang “Abot-Kamay Na Pangarap” mula Lunes hanggang Biyernes, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

* * *

Gen Z man o feeling Gen Z, hindi pinalagpas ang pagsisimula ng latest youth-oriented drama series ng GMA Public Affairs na “MAKA” nitong Sabado, September 21.

Mainit ang naging pagtanggap ng mga Kapuso sa programa kaya nakapagtala ito ng 6.6 percent (higit na mas mataas sa 1.4 percent rating ng katapat nitong programa), batay sa preliminary/overnight data ng NUTAM People Ratings ng Nielsen Philippines.

Sa pag-uumpisa ng serye, nabalitaan ng high school students ng Douglas MacArthur High School for the Arts a.k.a. MAKA na nanganganib nang ipasara ang kanilang eskwelahan. Para manatili itong bukas, kailangan nilang manalo sa upcoming Regional Drama School Competition.


Tanggapin kaya ng award-winning playwright at art theater director na si Sir V (Romnick Sarmenta) ang pakiusap sa kanya na magturo bilang Art teacher sa Arts & Performance (A&P) section ng MAKA High?

Ang “MAKA” ay pinagbibidahan rin nina Sparkle stars Zephanie, Ashley Sarmiento, Marco Masa, Olive May, John Clifford, Dylan Menor, Chanty Videla, Sean Lucas, at May Ann Basa a.k.a. Bangus Girl.

Mapapanood din sa programa ang “That’s Entertainment” alumni na sina Tina Paner, Jojo Alejar, Sharmaine Arnaiz, at Maricar De Mesa, pati na rin si veteran actress Carmen Soriano.

Ma-entertain at ma-inspire sa buhay ng mga estudyante ng “MAKA” tuwing Sabado, 4:45 p.m. sa GMA

Read more...