Hirit ni Deanna kay Ivy: Winner ka dahil ikaw nanalo sa puso ko!

Hirit ni Deanna kay Ivy: Winner ka dahil ikaw nanalo sa puso ko!

Deanna Wong at Ivy Lacsina

#LOVE wins talaga para sa LGBTQIA+ couple na sina Ivy Lacsina at Deanna Wong na muling ibinandera sa buong mundo ang pagmamahal nila para sa isa’t isa.

For the first time, nag-guest ang dalawang volleyball superstars sa “Fast Talk with Boy Abunda” para ibahagi ang ilang detalye about their love story.

Inamin nina Ivy at Deanna na tulad ng ibang LGBT couple, hindi rin naging madali ang pagsisimula ng kanilang relasyon.

Nu’ng una raw ay utol ang nanay ni Ivy sa pag-iibigan nila ni Deanna, “Parang sa social media, parang ayaw po ni mama na nakakakita ng pictures namin together or kapag nagkakausap po sila ni mama makikita ko po talaga na ayaw niya po.”

Baka Bet Mo: Deanna Wong hindi naging madali ang pag-amin noon sa mga magulang: Hindi kami nagkasundo

Ngunit ipinaglaban daw ni Ivy si Deanna sa kanyang parents at sa iba pang taong nakapaligid sa kanila.

“Parang nakikita niya naman po na masaya ako and ipinaglalaban ko talaga siya (Deanna),” chika ni Ivy na inilarawan ang partner bilang “everything” sa buhay niya.

Nagbigay naman si Deanna ng pamatay na mensahe kay Ivy, “Winner ka dahil ikaw nanalo sa puso ko.”


Reaksyon naman ni Ivy sa paandar na message ng kanyang dyowa, “Winner ka dahil mahal kita.”

Nagbahagi rin ng advice ang dalawang atleta para sa mga aspiring volleyball player sa Pilipinas.

Sabi ni Deanna, “Coming from my experience, kahit gustong-gusto mo na tumigil, ‘wag kang susuko talaga. Ang iisipin mo ‘yung long term, ‘yung future. What you reap is what you sow, ‘di ba?”

Para naman kay Ivy, “Kailangan mo siya tanggapin na mag-fail ka nang mag-fail para mag-improve.”

In fairness, may mga nabasa kaming comments sa social media na bilib sa tapang nina Deanna at Ivy na lumantad on national TV para ipagsigawan ang love nila sa isa’t isa.

Marami rin ang nagsabing na-inspire sila sa kuwento ng magdyowa at gusto na rin daw nilang mag-come out.

Read more...