Herlene Budol nangaroling kay Jose Mari Chan, niregaluhan ng P1K

Herlene Budol nangaroling kay Jose Mari Chan, niregaluhan ng P1K

Jose Mari Chan at Herlene Budol

FOR the first time, sa buong buhay niya ay nakatanggap ng early Christmas gift ang Kapuso actress at former beauty queen na si Herlene Budol.

At mas naging espesyal pa ito dahil ang nagbigay sa kanya ng Pamasko ay ang King of Philippine Christmas Carols na si Jose Mari Chan.

Sa kanyang Tiktok account, ibinahagi ni Herlene ang pagkikita nila ni Jose Mari Chan sa isang episode ng “TiktoClock” kung saan humiling siyang mag-duet sila ng classic hit ng veteran singer-songwriter na “Christmas In Our Hearts.”

Nangaroling din si Herlene kay JMC on national TV pero hindi pa man siya natatapos ay bigla na itong bumunot ng kanyang wallet at binigyan ang komedyana ng P1,000.

“First time ko sa buong buhay ko na mapamaskuhan ng P1,000,” ang tuwang-tuwa chika ni Herlene.

Baka Bet Mo: #PaskoNa: Jose Mari Chan bida na naman ngayong Ber months

Matapos siyang bigyan ng maagang aginaldo ni Jose Mari Chan ay tinawag pa niyai tong “Chanta Claus” (mula sa apelyido ni JMC na Chan).

Nagpapirma rin si Herlene kay JMC at nangakong itatabi at hinding-hindi niya gagastusin ever ang regalo sa kanyang P1,000.


Siguradong hanggang December na ang mga guesting at special appearances ng OPM icon dahil sa pagiging in-demand sa pagsisimula ng holiday season.

In fairness, halos lahat ng TV shows, idagdag pa ang mga corporate and other live events, ay isa si JMC sa mga special guests.

Talaga namang pagpasok pa lang ng “Ber Months” ay kaliwa’t kanan na ang paglabas ni JMC sa iba’t ibang platforms, lalo na sa social media kung saan sandamakmak na memes ang bumabandera.

Pagsapit pa nga lang ng September 1 ay ang kanyang hit song na “Christmas in Our Hearts” na ang mapapakinggan sa TV, radio at mga online shows kaya naman inaasahang hanggang sa December ay magiging busy na naman ang tinaguriang “King of Philippine Christmas Carols”.

Pero ano nga ba ang tunay na diwa ng Pasko para kay JMC? “Everyday should be Christmas Day. The spirit of Christmas is giving and sharing, that is what gives meaning to life,” ang sagot ng veteran singer-songwriter sa panayam ng “Unang Hirit”.

“We have to share our blessings with those in need,” dagdag pa niya.

Read more...