KC kinakarir na ang pagpapapayat, ‘unbothered’ sa laiterang bashers

KC kinakarir na ang pagpapapayat, 'unbothered' sa laiterang bashers

KC Concepcion

KINAKARIR na ngayon ng singer-actress at entreprenuer na si KC Concepcion ang pagpapapayat at pagpapaka-healthy.

Sa pamamagitan ng social media, ibinahagi ng anak nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion ibinahagi niya ang kanyang bonggang fitness journey.

Sa pamamagitan ng Instagram, ipinost ni KC ang kanyang litrato na kuha sa isang gym kung saan niya ginagawa ang kanyang fitness routine and workouts.

Baka Bet Mo: Sharon 6 years nang kinakarir ang fitness journey; nabiktima rin ng body shaming

Kalakip nito ang kanyang caption na,  “Do what your future self will surely thank you for.

“This year, as I get back to my fitness routine (after years of not doing so), I’m also learning to trust the hand of God in my life.


“What’s not healthy for you, and God’s plan for you, will simply fall off, leave your energy sphere, and whither away… Good riddance!

“Let Him hear and see the things you don’t, and let Him MOVE,” ang buong mensahe ni KC.

Marami ang nakakapansin, base na rin sa mga socmed post ni KC, na medyo lumalaki nga ang dalaga at tila patuloy na nadadagdagan ang kanyang timbang.

Ngunit tila “umbothered” naman si KC sa mga pang-ookray ng mga bashers at haters dahil never siyang pumatol sa mga nanlalait sa kanyang katawan.

Noong 2020, inamin ni KC na meron siyang hormonal disorder or Polycystic Ovary Syndrome (PCOS) na isa sa mga dahilan kung bakit nadadagdagan ang kanyang weight.

Huling napanood ang aktres sa Hollywood movie na “Asian Persuasion” noong 2023 kasama ang ilang Filipino-American stars.

Read more...