TV host pinag-early retirement mga kasambahay dahil sa selosang GF

TV host pinag-early retirement mga kasambahay dahil sa selosang GF

Guess, guess who!?

SOBRANG selosa pala ng girlfriend ng kilalang TV host na pati mga kasambahay niya ay pinagdududahan.

Tsika ng dating common friend namin ng TV host, “Grabe si ___ (dyowa), pati ba naman mga kasama sa bahay ni ____ (TV host) pinagseselosan?

“Taon na ang inabot nu’ng mga ‘yun na naninilbihan sa pamilya nila at pamilya na ang turing. Kaya para walang away at sobrang mahal ni ____ (TV host) si ____ (dyowa) pinag-early retirement na lang niya ‘yung mga kasama sa bahay,” kuwento ng aming source.

Dahil nakakaluwag naman sa buhay ang TV host ay tinupad nito ang pangako sa mga kasambahay na sasagutin niya ang pag-aaral ng mga anak bukod pa sa mga benepisyo at iba pa.

Baka Bet Mo: Sikat na aktres puro tira-tirang ulam ang inireregalo; kaibigan nagreklamo sa panis na pasalubong

Nabanggit na hindi na raw mamamasukan ang mga kasambahay kundi uuwi na lang sila sa kanilang mga probinsya at magnenegosyo dahil malaki naman ang nakuhang separation pay.

Dagdag pa, “Sabi ko nga kay ____ (TV host), ‘Pare hindi mo pa misis ‘yan ha, paano na?”

At nalaman namin kung bakit pinagselosan ng kasalukuyang dyowa ni TV host ang mga kasambahay at natawa na lang kami sa dahilan.

Ooopps, baka mag-isip ang readers ng BANDERA na pinatulan ni TV host ang mga kasambahay, hindi po dahil may mga edad na ang mga ito.

Anyway, away-bati ang TV host at dyowa nito kaya may agam-agam ang mga kaibigan ng una kung magkakatuluyan sila.

“Parang nakakakaba, di ba? Sana maging maayos si ____ (dyowa) kasi mahal na mahal talaga siya ni ____ (TV host),” sabi ng aming common friend.

Tinanong namin kung napag-uusapan na na nila ang kasal, “Oo, boto nga mga pamilya nila pareho,” kaswal na sagot sa amin.

Read more...