BUGBOG-SARADO ang anak ni Kuya Kim Atienza at ang ilan niyang friends dahil sa kanilang “guess the bill” video na viral na ngayon sa social media.
Hindi nagustuhan ng ilang netizens ang umano’y pagbalandra ni Emmanuelle Atienza at ng mga kaibigan niya, kabilang na ang beauty queen na si Krishnah Gravidez, sa kanilang yaman sa publiko.
Sa naturang “guess the bill” video na in-upload sa TikTok (na deleted na ngayon) mapapanood ang paghula ng grupo nina Emmanuelle kung magkano inabot ang kanilang bill sa kinainang restaurant.
Baka Bet Mo: Sharon nagbago ang isip sa pagre-retire sa showbiz: OK Lord, I guess you don’t want me to stop pa
Ang challenge, kung sino ang makakahula ng pinakamalapit na presyo ang siyang magbabayad sa bill. Ang hula ni Krishnah ang pinakamalapit sa halagang P133,423.99.
Makikita sa video ang pagbabayad ni Krishnah sa resto using her card bilang “parusa” sa ginawa nilang challenge.
Ayon sa mga netizens, napaka-insensitive ng ginawa nina Emmanuelle, hindi na raw nila naisip ang mararamdaman ng mga kababayan nating naghihirap at hindi nakakakain nang maayos sa araw-araw.
Paliwanag naman ng anak ni Kuya Kim sa isang TikTok video, “it was meant as a joke.” Aniya, birthday treat daw iyon ng kanyang friend na sinagot ng agency nito.
“I find it so stupid that I even have to address this but it has gotten to a point where I feel like I need to. One, the video was a joke.
“I thought it was obvious because we were laughing and the bill was outrageously high number. But apparently, it’s believable that I can pay that much for dinner.
“Even if I had paid that much, even if we did have that much money, it is our choice and our freedom to do what we want with money that we earned,” esplika ni Emmanuelle.
May pa-callout din si Emmanuelle sa isang online platform na nagbalita tungkol sa ginawa nilang challenge at sa galit ng mga netizen sa kanila. May nabanggit pa raw kasi sa post na, “Check your privilege.”
Bukod dito may payo pa raw ang naturang website na dapat sana’y, “redistribute their wealth to those most in need of it.”
Sagot dito ni Emmanuelle, “I’ve been honest about the privileges I’ve been given and the privilege that I have in my life. I’m not ignorant nor do I deny the privilege I’ve been given and I never have been.”
Nabanggit din ni Emmanuelle na ang tinutukoy niyang website ay siya namang pumuri sa award-winning actress na si Nadine Lustre nang um-attend ito sa event ng isang luxury brand.
“If you’re gonna hate on me ‘for being reach,’ you need to do the same to everyone. Because guess what?
“Your favorite celebrities, not just in the Philippines but worldwide, make more, have more and spend more than I ever have. And on top of that, I doubt any of them are redistributing their wealth.
“I, a singular teenage girl, am not responsible for the wealth disparity in the Philippines, contrary to current popular belief. I find it so stupid that people are picking and choosing what to be activists for,” aniya pa.
Samantala, nagpaliwanag din si Krishnah hinggil sa isyu, “Wala po talaga akong binayaran that night. Wala po akong kakayahan to pay an amount like that.
“I realized that I need to be more careful next time of involving myself in these type of contents. I should have been more sensitive of what’s happening around us.
“I feel bad that this issue blew up and I might have disappointed some of you. I’m really sorry po,” sabi pa niya.