Ethel hirap sa Ingliserang anak; humiling kay Vice pag nagka-baby uli

Ethel hirap sa Ingliserang anak; humiling kay Vice pag nagka-baby uli

Vice Ganda, Ethel Booba, Jessie Salazar at Ella

IBANG-IBA na ang mga priorities at pananaw sa buhay ng komedyanang si Ethel Booba mula nang magkaroon siya ng sariling pamilya.

Kung noon ay sarili lamang niya ang kanyang iniintindi, ngayon ay mas naka-focus na ang kanyang utak at atensiyon sa kanyang partner in life at sa kanilang nag-iisang anak.

Limang-taon na ngayon ang anak nina Ethel at Jessie Salazar na si Ella at ginagawa raw lahat ng veteran stand-up comedienne para masigurong mabigyan ang panganay ng magandang buhay.

Natanong si Ethel sa isang panayam sa naganap na Beau Con Manila 2024 event kung paano niya ilalarawan ang sarili noon sa kung ano na siya ngayon.

Baka Bet Mo: Ethel Booba ingat na ingat na sa pagpo-post sa socmed: Kasi pag na-bash ako, siguradong damay ang anak ko

“Nag-mature ba ako? Ako rin nga nagugulat, e. Ha-hahaha! Nag-mature talaga ako nu’ng naging nanay ako. Oo, iba na ‘yung priorities ko.

“Ngayon hindi na ako bumibili ng mamahaling damit, kailangan mura na lang kasi mayroon akong pinagkakagastusan kasi ang mahal ng gatas, diaper,” pag-amin ni Ethel sa pinagdaraanan niya bilang nanay.

Patuloy pa niya, “Ngayon, iniisip ko kailangan ko talagang mag-ipon dahil ‘yung future niya, ‘yung pag-aaral niya doon ako nanganganib kasi Inglesera, e. Hirap na hirap talaga ako, e.


“Minsan sasabihin ko, ‘ah okay.’ Minsan magtatanong English, sasabihin ko na lang, Llater i’m busy.’ Kaya ‘yung asawa ko tawang-tawa talaga sa akin kasi hindi ko na talaga siya masagot kasi hirap na hirap ako talaga,” chika pa ng komedyana.

Sa relasyon naman nila ng kanyang partner na si Jessie, naniniwala si Ethel na pang-forever na ang kanilang relasyon at habang tumatagal ay mas nagiging solid pa ang kanilang samahan.

“Mas peaceful talaga at kung gusto mo nang pangmatagalan, for lifetime, mas non-showbiz,” sabi ni Ethel.

Ano nga ba ang sikreto sa kanilang happy relationship? “Communication. Kailangan talaga nag-uusap kayo palagi na alam mo ‘yung huwag mong kimkimin ang sama ng loob mo, kailangan maging open ka sa kaniya.

“Okay lang na masaktan siya pero kailangan malaman niya kung ano ang mali at malaman ko rin kung ano ang mali ko at doon kami nag-meet,” sabi pa niya.

Samantala, sa tanong naman kung may plano pa sila ni Jessie na dagdagan pa ang kanilang anak, “Kung ibibigay. Nag-usap nga kami ni Vice Ganda kasi inaanak niya ‘yan, e. Sabi ko, ‘parang hindi na.’

“Sabi niya, ‘okay din iyan, para mayamang-mayaman siya.’ Biniro ko na lang na dadagdagan ko, magdo-donate ka ba pang-educational plan’ kasi ‘yun ang pinakamabigat talaga,” natatawang sey pa ng komedyana.

Read more...