NANG dahil sa “Pulang Araw“, mas lalo pang minahal at na-apprecite ng Pambansamg Ginoo na si David Licauco ang pagiging aktor.
Binago raw ng naturang historical action-drama series ng GMA ang pananaw niya sa buhay, lalo na sa kanyang acting career na mas sineseryoso na niya ngayon.
Sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda” kay David, sinabihan siya ng King of Talk na kitang-kita ngayon ng mga manonood ang puso niya sa pag-arte base sa ipinakikita niyang performance sa “Pulang Araw.”
Baka Bet Mo: Dennis saludo kay Alden: Ibang klase, parang hindi siya napapagod!
“Actually Tito Boy, I would say na ‘Pulang Araw’ really changed my perspective with siguro my life din. ‘Yung acting, feeling ko this is something na I can do for a long time kaya ginagalingan ko talaga,” simulang pagbabahagi ng binata.
“Nag-iba ‘yung perspective talaga kasi dati business (ang priority),” sabi pa ni David.
Inamin din ng binata na nasa punto siya ngayon ng kanyang career na gusto rin niyang manalo ng award, kaya naman talagang itinotodo niya ang pag-arte sa “Pulang Araw”.
“Before Pulang Araw kasi, nagkaroon ako ng goal na gusto kong, siguro, hopefully manalo ng award,” sabi ni David na umaani ng papuri mula sa viewers dahil sa akting niya sa serye bilang si Hiroshi Tanaka.
Sa tanong kung paano niya pinaghandaan ang bawat eksena niya sa serye, lalo pa’t napakahirap magkabisado ng Japanese language.
“Everyday kailangan ko siyang i-memorize. Actually hindi lang siya one night para i-memorize, it takes me two days, three days para ma-memorize ang Japanese lines. On top of that ‘yung acting pa.
“Siguro aral lang din talaga, aral ako nang aral ng acting, maraming trial and error,” chika ni David.
In fairness, talagang kinakarir at ginagalingan ng aktor ang kanyang akting sa nasabing serye at hindi siya nagpapalamon sa galing ng mga co-stars niya lalo na kina Alden Richards, Barbie Forteza at Sanya Lopez.