Basher kay Xyriel: ‘Panget na panget sa sarili kaya daming pinagawa’

Basher kay Xyriel: 'Panget na panget sa sarili kaya daming pinagawa'

Xyriel Manabat

SUPALPAL sa Kapamilya actress na si Xyriel Manabat ang isang laiterang basher na pumuna sa kanyang itsura at katawan.

Inakusahan kasi ng netizen si Xyriel na puro raw retoke ang mukha kaya ibang-iba na ngayon ang kanyang itsura kung ikukumpara sa dati niyang face.

Nag-post ang dalaga ng kanyang latest photo sa Instagram kamakailan na umani ng papuri at magagandang reaksyon mula sa kanyang mga IG followers.

Pero may mangilan-ngilang netizens ang nambasag sa kanya at kung anu-anong malilisyosong salita ang ibinato sa kanya.

Isa nga rito ay ini-screenshot ng aktres at dating child star saka ipinost sa kanyang social media page. Mababasa rito ang comment na, “Panget na panget sa sarili nya kaya daming pinagawa (lauging emoji).”

Baka Bet Mo: Banat ni Melai Cantiveros sa bashers na tumawag sa kanya ng ‘panget’ at ‘mukhang anito’: ‘Mean ba ‘to o totoo?’

Ang resbak na caption naman ni Xyriel sa kanyang post ay, “Sampu ba ilong ko?” na sinundan ng raising eyes emoji.

Marami namang nagtanggol kay Xyriel at kinuyog ang mapanglait na basher.


Kung matatandaan, last year ay inamin ni Xyriel na totoong sumailalim siya sa beauty enhancement procedure, partikular na ang kanyang ilong.

Sa mga socmed page ni Xyriel, palagi siyang nagpo-post ng mga mensahe tungkol sa body positivity. Ine-encourage niya ang lahat ng kanyang followers na laging maging confident sa kanilang sarili.

“Our body is never less. Our bodies should be celebrated, respected, and defended. We should not justify someone na magtangka na mag-disrespect ng body natin in any way,” payo ni Xyriel.

Never ding dinenay ng aktres na nagpaayos siya ng ilong, “Whats the point of denying po? Its something to be proud of.

“I’m being honest and transparent Ofc whole po magbabago kasi nasa center po ng face ang nose and may madadamay at maapektuhan po talga na part ng face kaya magbabago po talaga whole face… cmmnsnse come on,” mariing sabi ng dalaga.

Read more...