Ellen Adarna manganganak na raw ngayong October, true kaya?

Ellen Adarna manganganak na raw ngayong October, true kaya?

TRULILI kaya na manganganak na ang wifey ni Derek Ramsay na si Ellen Adarna ngayong Oktubre?

May paru-parong lumilipad-lipad na ibinulong sa amin, “Uy, malapit na manganak si Ellen Adarna (sabay bilang ng buwan), by October, yes tama next month, October and it’s a girl.”

Siyempre shock kami kasi kailan lang ay napanood namin ang panayam ni Derek sa vlog ni Morly Alinio na “Ito ang Tondo” na makailang beses tinanong ng huli kung buntis na si Ellen at panay ang tanggi ng aktor.

Idinadaan pa ni Morly na masaya ba si Derek na finally magkaka-anak na sila ni Ellen at may kapatid na si Elias at kahit na tumatawa ang aktor ay ipinagdidiinan nitong wala pa at hoping sila na sana nga magkaroon na sila ng baby.

Baka Bet Mo: Ellen Adarna, Derek Ramsay magkaka-baby na raw, nagbigay na nga ba ng clue?

 

Nabanggit naman din ng aktor na if ever na magkaroon na talaga sila ni Ellen ay kahit ano basta healthy pero okay din kung baby girl kasi nga may anak na siyang lalaki na si Austin na nasa ibang bansa dahil nag-aaral at may Elias naman ang wifey niya na sobra naman nitong mahal.

Hanggang sa magtapos ang interbyuhan nina Morly at Derek ay walang aminang nangyari.

Kaya balik-tanong namin sa paru-parong bumulong ay, ‘true ba? E, kakapanood ko lang ng interview kasi.

“Oo true, by October. Siyempre ayaw na lang siguro ‘yan ipaalam for privacy,” sambit sa amin.

Sabagay nanahimik na namumuhay ngayon ang mag-asawang Derek at Ellen kaya nga hindi rin tumanggap ng projects ang aktor dahil gusto niyang lagi siyang nasa tabi ng asawa.

Kaya rin siguro panay ang punta ng Mommy Remedios P. Ramsay ni Derek sa Manaoag ay para maging maayos ang pagbubuntis ng manugang.

Nabanggit kasi ng aktor na laging nagpupunta ang mom niya sa Manaoag para ipagdasal na magkaroon na sila ng anak.

Well, kung totoo nga ito ay congratulations sa Baby Girl nina Derek at Ellen. Natupad ang pangarap nilang Dragon baby.

Read more...