Rannie Raymundo excited sa ‘WPS’, bagong online series ng KSMBPI

Rannie Raymundo excited sa 'WPS', bagong online series ng KSMBPI

Excited si Dr. Michael Raymond Aragon, President at CEO ng Kapisanan ng Social Media Broadcasters ng Pilipinas, Inc. o KSMBPI nu’ng i-anunsyo niya ang latest project nilang online series na “WPS” o West Philippine Sea dahil may kinalaman ito sa nangyayaring problema ngayon pagitan ng Pilipinas at Tsina.

Ipinakilala rin ng producer ang ilan sa cast ng “WPS” sa ginanap na mediacon nitong Martes, Setyembre 17 tulad nina Jeric Raval, Ali Forbes, Lala Vince, Ayanna Misola Daiana Menezes, Massimo Scofield, Lance Raymundo at Rannie Raymundo. Hindi naman nakarating ang iba pang kasama sa series na sina AJ Raval at Roi Vinzon.

At dahil ma-aksyon ang kuwento ng “WPS” ay dumaan ang lahat sa pagsasanay ng martial arts at paghawak ng baril.

Inamin naman din na fiction ang kuwento kaya hindi sila nakapunta sa mismo sa West Philippine Sea bukod pa sa bawal ay napaka-delikado kaya naman nagbase ang lahat sa research kung ano ang mga kaganapan at updates kaya open script ito para kung may biglang mangyayari ay kaagad nila itong mailalagay.

Baka Bet Mo: Toni Fowler pinaaresto dahil sa kasong kriminal na isinampa ng KSMBPI

Napansing maganda ang pangangatawan ng magkapatid na Rannie at Lance kaya natanong kung bakit hindi sila pumasok sa military bilang reservist tulad ng ginagawa ng ibang artista ngayon.

Sa mediacon ay inamin ni Rannie na pamilya sila ng military at para sa kanya ay hindi naman kailangang maging miyembro ng military para ipagtanggol ang Pilipinas.

“Nang sinabing advocacy project ito para sa bansa, um-oo agada ko kasi talagang ipaglalaban ko ang bayan natin. Kaya hindi nagdalawang salita sa akin si doc (Michael).

At sa one-on-one namin ni Rannie ay inamin niya ang mga dahilan kung bakit hindi niya kaagad tinanggap ang project na WPS.

“Sa edad kong ito naubos na ang takot ko, pangalawa anuman ang mangyari sa Pilipinas okay na ako, maliban sa mga anak ko at mga apo kong aso (natawa kami). Oo puro aso mga apo ko, pero paano na kapag gumawa na ang mga anak ko ng tunay na bata, paano?

“At ang pinaka-bonus ko first time kong makakasama ‘to (sabay nguso kay Lance), sa araw-araw ay magkasama kami sa bahay, magkasama kami sa gym, ilang beses na kaming nagkasama sa entablado (shows) pero sa pelikula o series ay never pa,” paliwanag ni Rannie.

Nabanggit pa ni Rannie na noong 1986 People Power Revolution ay nasa kalye silang mag-aama, si Lance at at Papa Danilo niya na kapit kamay silang tumayo sa gitna ng kalye habang umaandar tangkeng pangdigmaan.

“One of our memories of our dad ay tumayo kami gitna ng kalye, ‘yung tangke hindi humihinto pero tinutulak niya kami pataliko, sabi niya maging matapang kayo at hawak niya mga kamay namin hanggang sa huminto yung tangke one left (paigtan),” balik-tanaw ni Rannie.

Dagdag pa, “at that time it wasn’t against this or that, what we want is a change at that time. Kung tatanungin moa ko kung ano ang political color ko, it’s red, white and blue kasi Pilipino ako.”

Sa tingin b ani Rannie na kapag ipinalabas nila ang WPS sa online ay pakikinggan o mapapansin sila.

“Yes! Kasi you cannot teach an old dog new tricks but you can trick the dog to learn kasi kung lektyuran mo ang kabataan ngayon (wala na), e, kung may mapanood silang something entertaining may suspense, may love angle, at gagamitin namin ang lengguwahe (Gen Z) ay unti-unting papasok na ‘yan sa kanila,” paliwanag ng mang-aawit.

Samantala, inulit namin ang tanong kung bakit nga ha hindi pinasok ni Rannie ang pagiging reservist.

“I cannot speak do’n sa mga pumasok (artista) diyan, pero ‘yun iba pumasok diyan hindi naman sa gustong lumaban, pagnag tawag ba tatayo ka ba?

“’Yung iba kaya naggaganyan (reservist) to be connected, to be talk about, to position themselves. Ako, I’m confident on my position, I’m confident in my katapangan. Ang katapangan ko hindi ko na kailangang ipagsigawan, basta may bigla na lang malalaglag,” paliwanag niya.

Matagal na palang kakilala ni Rannie si Doc Michael Aragon dahil rebolusyonaryo pala ito noon pa at malaki ang nai-ambag nito sa mga musikero sa oras ng pangangailangan.

Looking forward na ang magkapatid na Rannie at Lance sa darating na Oktubre 1 para sa first shooting day nila ng WPS.

Read more...