Sam Verzosa namigay ng 100 food cart business sa mga taga-Maynila
NANGGULAT na naman si Tutok to Win Partylist Rep. Sam Verzosa o mas kilala bilang si SV sa mga kababayan niya sa siyudad ng Maynila.
Personal na ibinigay ni SV sa mga masusuwerteng Manileño na nabunot sa programa nilang “Dear SV” nitong nagdaang Lunes, Setyembre 16, ang 100 food cart business.
Bahagi pa rin ng selebrasyon ni SV para sa kanyang 37th birthday ang magbigay ng tulong para pagsimulan ng pagkakitaan ng mga kapuspalad nating mga kababayan.
Matagal na palang ginagawa ni Sam Verzosa ang pamamahagi ng tulong na walang nakatutok na kamera at nalaman lang ito ng karamihan nang magkaroon na siya ng programang “Dear SV” produced by TV8 Media at napapanood sa GMA 7 tuwing Sabado, 11:30 p.m..
Baka Bet Mo: Rhian, SV sa pagpapakasal: Mahaba pa ang life, hindi kami nagmamadali
Mas lalo kasing lumawak ang koneksyon niya sa mga kababayan nating nasa Luzon, Visayas at Mindanao. Kaya naman masasabing bago pa siya naging kongresista ay tumutulong na siya nang walang kapalit na mula sa sarili niyang pera.
View this post on Instagram
Isa rin kami sa nagtataka noon kung saan galing ang mala-balong pondo ni SV na itinutulong sa tao dahil hindi biro ang laki ng gastos. Naikuwento niya ang tungkol dito sa ginanap na “Dear SV Thanksgiving” na ginanap sa MLQU basketball covered court kung saan naroon ang 100 food carts.
“Ito pong programa na Dear SV ay ginawa namin dahil extension po ito ng personalidad ko kasi kagaya n’yo naggaling din po ako sa wala kaya ramdam ko ang pinagdadaanan ninyo at lumaki ako sa Sampaloc, doon ako ipinanganak, doon ako nangarap at ako’y nagsumikap para mapunta po sa kinalalagyan ko ngayon.
“Sabi ko nga sa sarili ko na kapag dumating ‘yung pagkakataon na malagay ako sa posisyong puwede akong tumulong ay hindi na ako magdadalawang-isip na tumulong para sa ma kababayan ko,” bungad ni SV.
At dito na naikuwento ng batang Sampaloc na mahigit 20 years na siyang nagnenegosyo at madali naman daw siyang natuto at napalago niya ang mga ito.
“Twenty plus years na akong nagbi-business at madali naman akong natuto at sobra-sobra (kita) na hindi lang po dito sa Pilipinas dahil may mga negosyo rin po ako sa ibang bansa (tulad) sa Dubai, Abu Dhabi, Qatar, Australia, Singapore, Hongkong hanggang Europa hanggang London po may business at may mga offices po tayo.
“At pati mga international companies ay ay hina-handle na natin dito sa Pilipinas dahil pinagkatiwalaan po tayo at sobra-sobra po ang blessings at wala po akong ibang hangad kundi i-share po ito una sa pamilya ko, sa kumpanya namin hamggang sa natulungan ko na lahat at lumabas na po kami mula Luzon, Visayas at Mindanao at siyempre sa mga kababayan ko sa Sampaloc at sa buong Maynila,” aniya pa.
View this post on Instagram
Isa sa mga negosyo ni SV ay ang Frontrow International at sa pagkakaalam namin ay dealer din siya ng luxury cars. Ito marahil ang nabanggit niyang international companies na nagtayo rito sa bansa at siya ang namamahala.
Masaya rin ang producer ng “Dear SV” dahil kahit na hatinggabi na silang napapanood sa GMA 7 ay marami ang sumusubaybay dahil ito ang mga taong nagpapadala ng sulat para sa pangangailangan nila.
Nang ipamahagi na ni SV ang 100 food carts sa mga kababayan niyang taga-Maynila ay abut-abot ang pasasalamat sa kanya na may kasamang mahigpit na yakap dahil may pag-uumpisahan na raw silang negosyo at nangakong palalaguin.
Samantala, co-host ni SV sa ginanap na thanksgiving ceremony ang girlfriend niyang si Rhian Ramos na aminado ang kongresista na malaki ang pagbabago sa buhay niya simula ng maging sila ng aktres kaya naman hindi na raw niya ito pakakawalan at masasabing “she’s the one.”
‘Yun nga lang wala pa sa plano kung kailan sila pakakasal dahil hindi naman sila nagmamadali lalo’t may kakaharaping malaking pagsubok si SV sa kanyang political career.
Sa nasabing event ay walang in-anunsyo si SV kung kakandidato siya sa pagka-mayor ng Maynila pero kahit wala siya sa posisyon ay tuluy-tuloy ang pagtulong niya kaya naman siguradong higit pa sa 10 beses ang balik sa kanyang blessings.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.