Jeremiah Tiangco muntik mabiktima ng fake casting call | Bandera

Jeremiah Tiangco muntik mabiktima ng fake casting call

Therese Arceo - September 17, 2024 - 10:11 PM

Jeremoiah Tiangco muntik mabiktima ng fake casting call

KINUNAN ng video ng “The Clash” Season 2 Grand Champion na si Jeremiah Tiangco ang pekeng casting call ng lalaki na nagpapakilala bilang si Jun Lana.

Sa kanyang Facebook post ay ibinahagi nito ang kuhang niyang video kung saan kinakausap siya ng nagpapanggap na direktor via video call para sa gagawin umanong pelikula na magiging entry sa Tokyo International Film.

“Scammer! Fake casting call audition,” saad ni Jeremiah sa kanyang caption.

Base sa video clip, maraming binanggit na pangalan ang nagpapanggap na si Direk Jun Lana na mga personalidad kasama na lang rito si Annette Gozon pati na rin ang sikat na mga artista tulad nina Lovi Poe, Ivana Alawi, at Joem Basco.

Baka Bet Mo: Jeremiah Tiangco nanawagan sa mga natatakot magpabakuna; bagong GMA primetime line-up babandera na

 

“Parang feeling ko may nabubuo nang theory sa utak ko na nadale ako ng mga gumagamit ng names sa GMA. Ginamit pa nila si Miss Annette [Gozon-Abrogar]. Ginamit nila si Miss Joy Marcelo. Ginamit nila si Direk Jun Lana,” saad ni Jeremiah.

Pagpapatuloy niya, “Chinat ko si Direk Jun [sa Instagram], hindi naman nagre-reply. Itong lalaking ito, he was asking me to maghuhubad daw. Well, kung totoong audition naman, gagawin natin.”

Pero nagtaka na raw siya dahil hindi raw nagpakita sa camera ang nagpapakilalang direktor.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Pero kumbaga, medyo na-sketchy-han ako. Hindi siya nagpakita. Ako lang ‘yong nasa camera. […] Nakakalungkot lang na may mga gano’ng tao,” sey pa ni Jeremiah.

Hula ng binata, maaaring balak ng nagpapanggap na Jun Lana na ibenta ang makukuhang video nito dahil sa umano’y daring ang casting call.

Pinag-iingat rin ni Jeremiah ang kanyang kapwa artista na mag-ingat sa mga manloloko.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending