Almoranas ni Herlene gumaling dahil kay Doc Willie: First aid ka namin

Almoranas ni Herlene gumaling dahil kay Doc Willie: First aid ka namin

Herlene Budol at Willie Ong

NANGAKO ang Kapuso actress at beauty queen na si Herlene Budol na palagi niyang ipagdarasal si Dr. Willie Ong para mapagtagumpayan nito ang pakikipaglaban sa cancer.

Isa si Herlene sa mga celebrities na nalungkot nang ibalita ni Doc Willie na meron siyang sarcoma o abdominal cancer sa pamamagitan ng isang video na ipinost niya sa Facebook last Saturday, September 14.

Ayon sa kilalang cardiologist at internist, sumasailalim siya ngayon sa chemotherapy bilang bahagi ng kanyang medical treatment.

Baka Bet Mo: Willie Ong umamin: Wala talaga akong planong tumakbo kasi alam kong hindi ako mananalo ulit

Ang sarcoma, ayon sa healthtrip.com ay isang uri ng cancer na nabubuo sa connective tissues ng katawan, kabilang ang mga kalamnan, buto, tendon, at cartilage. Hindi tulad ng karaniwang mga cancer, ang mga sarcoma ay medyo bihira.


Bagama’t ang mga sarcomas ay nagkakaroon lamang ng maliit na porsyento ng lahat ng mga diagnosis ng kanser, maaari silang mangyari sa parehong mga bata at matatanda.

Ayon kay Doc Willie, nasa 16x13x12 centimeter na ang sarcoma na nakita sa kanyang abdomen. Nakatago raw ang tumor sa likod ng kanyang puso at sa harap ng kanyang spine kaya maaari itong lumala kung hindi agad magagamot.

Sa pamamagitan ng isang TikTok video, ipinarating ni Herlene ang kanyang mensahe kay Doc Willie nang malaman nga niyang may cancer ito kasabay ng pagkukuwenti kung paano siya tinulungan ng tinaguriang Doktor ng Bayan nang magkaroon siya ng almoranas.

“Shout out nga pala kay Doc Willie Ong na mayroong sakit ngayon. Lord, pagalingin niyo po siya dahil marami po kaming mga sakitin na umaasa sa kanya,” simulang pahayag ng Kapuso star.

Pagpapatuloy pa niya, “Bawal kang manghina dahil ikaw ang first aid namin.

“Kasi noong nagkaroon ako ng sakit na almoranas, talagang araw-araw tumat*e ako ng dugo at talagang namumulaklak na yung butas ng puwet ko dahil sa sobrang stress ko, ikaw lang ang pinanood kong video.


“Ang sabi mo pa nga du’n na kumain lang ng mga letter P na prutas, magiging smooth yung pagt*e ko, aba effective nga,” sey pa ni Herlene.

Hirit pa ng dalaga, “Lahat din ng nararamdaman ko sa katawan ko, ikaw lang ang pinapanood kong video, mapa-gout, hika, at masakit ang ulo.

“Kaya Doc kung napapanood mo ito, sana maging motivation mo kaming mga taong umaasa sa iyo.

“Mahal ka namin, magpagaling ka, dahil ikaw lang sapat na!” ang buong mensahe ni Herlene.

Marami naman ang naaliw sa sumunod na sinabi ng komedyana at TV host, “Bigyan kita ng tip Doc Willie Ong, panoorin niyo po yung sarili niyo, marami po kayong mapupulot du’n.

“Na-touch din ako sa sinabi ni Doc (sa vlog niya) na noong nagkasakit siya mas naging close siya sa pamilya niya.

“Hindi mo na kailangang magkasakit Doc para mas maging close sa pamilya mo. Kasi kapag gumaling ka, mas ma-a-appreciate ka nila at mas marami pa kayong magiging bonding.

“Get well, Doc. Isasama ka namin sa prayers namin,” sabi pa ni Herlene.

Sa isang Facebook post naman, nagpasalamat si Doc Willie Ong sa lahat ng mga taong nagmamahal at nagdarasal para sa paggaling ng kanyang cancer.

“My deepest thanks to the Filipino people. I can FEEL your love and concern even miles away. Thanks for ALL the kind thoughts. I love you all.

“If you can feel that the people around you love you, you want to go on and fight this challenge for them. But if you feel that people hate you, then what is the reason for going on?” aniya.

Read more...