Mimiyuuuh diretsahang tinanong si EJ Obiena: May chance ba tayo?

Mimiyuuuh diretsahang tinanong si EJ Obiena: May chance ba tayo?

Mimiyuuuh at EJ Obiena

DIRETSAHAN at walang kaabug-abog na tinanong ng content creator at influencer na si Mimiyuuuh si EJ Obiena kung may chance ba silang maging magdyowa.

Nakakaaliw ang naging interview ni Mimiyuuuh sa tinaguriang World’s No. 3 pole vaulter (2024 World Athletics Ranking) na napapanood na ngayon sa kanyang YouTube channel.

Sumabak ang Filipino Olympian sa inihandang lie detector challenge ni Mimiyuuuh kung saan natanong siya tungkol sa kanyang personal life at career bilang atleta.

Isa nga sa naitanong ng vlogger kay EJ ay, “May chance ba tayo?” Mabilis naman itong sinagot ng binata ng, “As a friend, for sure.”

Baka Bet Mo: Mimiyuuuh aminadong ‘normal day’ lang noon ang Pasko: Hindi po kami nakakapag-celebrate

Nagbiro naman si Mimiyuuuh na kunwari’y nagalit kay EJ dahil hindi niya natanggap ang sagot nito sa kanyang tanong.

Hirit pa ni EJ sa kanya, “I think you’re very fun, no kidding,” EJ said. “I love your energy and your genuine expression of yourself. I’m a fan.”


Kung matatandaan, naging trending topic sa X (dating Twitter) kamakailan ang interview ng volleyball player na si Alyssa Valdez kina EJ at Mimiyuuuh na ipinalabas ilang buwan na ngayon ang nakararaan.

Ito’y dahil na rin sa naging performance ni EJ sa 2024 Paris Olympics.

Sa naturang vlog, ipinakita ang slow-mo video kung saan nakatitig lang si Mimiyuuuh kay EJ matapos siyang tanungin ni Alyssa kung ano ang type niya sa lalaki.

Maligaya ngayon si EJ sa piling ng kanyang long-term girlfriend, ang German athlete na si Caroline Joyeux. Nasa Pilipinas sila ngayon at ine-enjoy ang iba’t ibang lugar sa Pilipinas.

Read more...