Catriona inaatake ng tensiyon, anxiety matapos manakawan sa London

Catriona inaatake ng tensiyon, anxiety matapos manakawan sa London

Catriona Gray at ang kanyang mga magulang

HANGGANG ngayon ay nakararamdam pa rin si 2018 Miss Universe Catriona Gray ng anxiety at kakaibang tensiyon matapos manakawan sa London.

Traumatic para kay Catriona pati na sa kanyang mga magulang ang ginawang pagnanakaw ng mga kriminal sa nasabing bansa sa pamamagitan ng pagbasag sa mga salamin ng kanilang sasakyan.

Natangay mula sa kanilang kotse ang kanilang mga personal na gamit pati na ang mahahalaga nilang mga travel documents.

“Robbed in the middle of London, whilst stopping for lunch on the way to the airport. Our passports and belongings – gone. Traumatized,” ang pagbabahagi ni Catriona sa kanyang Instagram stories matapos maganap ang insidente.

Baka Bet Mo: Bela Padilla inaming nabiktima ng ‘ghosting’ bago makilala ang partner na si Norman Bay

Sa bago niyang Instagram post, inalala ni Catriona ang naganap na robbery incident at ang mga aral na natutunan niya mula sa masamang experience na ito.

“Rewrote a little bit of my London narrative these last few days. Since coming back since the robbery incident, I have a new found tension when I step outside, a new anxiousness with my surroundings and belongings,” ang pag-amin ni Catriona.


Kasunod nito, nagbahagi ang beauty queen at events host ng ilang tips kapag nasa biyahe o bakasyon, lalo na kung nasa ibang bansa.

“But I just wanna share some of the things I learned (hopefully to spare anyone else the same experience).

“Things are just things and things can be replaced. Family and their safety is the most important thing.

“Don’t place your trust in any paid parking facilities in London City – may they boast CCTV, security etc. Even in the middle of the day for a few hours.

“We made this mistake and wish we hadn’t. Always take your passports and important medications with you,” paalala pa ng dalaga sa kanyang nga social media followers.

Nagpasalamat din si Catriona sa lahat ng taong tumulong sa kanila matapos ang insidente ng pagnanakaw.

“I’m so so grateful to everyone who reached out to my parents and I to see if we were okay.

“And to the people who helped my family and I, who helped with the travel arrangements, to sourcing a doctor for my dad’s important medications and to just giving comfort and help. Truly am so so thankful,” sabi pa ni Cat.

Sa huling bahagi ng kanyang post, sinabi ng dalaga na sa kabila ng nangyari, naging masaya at memorable pa rin ang pagbabakasyon niya sa London dahil kasama niya ang mga magulang na sina Ian at Mita Gray.

“At first, I felt that the robbery and the stress that ensued blotted out the joy and happy memories from the special homecoming trip of my dad. But I decided I won’t let the thieves steal that too. Stay safe everyone,” sabi pa ni Cat.

Nitong mga nagdaang linggo, talagang ine-enjoy ni Catriona ang bonding moments nila ng kanyang parents sa pamamagitan ng pagro-road trip sa iba’t ibang lugar sa United Kingdom, kabilang na ang birth town ng tatay niya.

“Welcome back papa. Fraserburgh, my dad’s birth town — a small fishing village along the coast.

“Although none of the original houses my dad lived in / was born in remain, we visited the streets themselves: Barrasgate Street and explored the town,” ang isa sa mga IG post ni Catriona.

Read more...