Kris Aquino babalik na sa Pilipinas, tuloy ang pakikipaglaban sa sakit
MATAPOS ang mahigit dalawang taon na pananatili sa Amerika, muli nang magbabalik sa Pilipinas ang Queen of All Media na si Kris Aquino.
Sa kanyang latest Instagram post ay ibinahagi ng TV host-actress na uuwi na ito sa bansa dahil kailangan niyang sumailalim sa pangalawang immunosuppressant infusions.
“i choose to be 100% honest. i arrived in the [USA] with 3 diagnosed autoimmune conditions, a 4th was confirmed in late June of 2022 (1. Autoimmune Thyroiditis 2. Chronic Spontaneous Urticaria 3. Churg Strauss/EGPA- a rare, complicated form of vasculitis 4. Systemic Sclerosis and this 2024 i was diagnosed with 5. SLE/Lupus and 6. Rheumatoid Arthritis.) We are still waiting for the results of 2 more autoimmune conditions,” panimula ni Kris.
Kasunod nito ay ang pasasalamat ni Kris sa lahat ng mga taong patuloy na nagpapaabot ng kanilang malasakit at suporta sa kanyang pinagdaraanan.
Matapos nito ay inilahad niya ang rason sa kanyang pag-uwi sa bansa.
Baka Bet Mo: Kris mukhang happy at madaldal na uli, excited nang umuwi sa Pinas
View this post on Instagram
Bukod dito, ibinahagi ni Kris ang rason kung bakit niya napagdesisyunang umuwi sa Pilipinas.
“The reason i decided to go home is because i need to start my second immunosuppressant infusions in 2-3 weeks (it’s a gentler term for chemotherapy),” pagpapatuloy niya.
Inamin rin ni Kris na kinakailangan niya ng matinding suporta mula sa mga kapatid, malapit na kamag-anak, at kaibigan sa kanyang laban sa sakit na iniinda. Nagpasalamat rin ito sa mga taong naging parte ng kanyang gamutan habang nasa ibang bansa.
“Emotionally i need the encouragement and unwavering faith my sisters & cousins, closest friends, and trusted team of doctors can provide… sadly what was the BATTLE TO IMPROVE MY HEALTH is now THE STRUGGLE TO PROTECT MY VITAL ORGANS. This is now the FIGHT OF MY LIFE,” lahad pa niya.
Dagdag pa ni Kris, “Bawal sumuko. Tuloy po ang #Laban.”
Nagpasalamat naman si Kris sa mga nagdasal at patuloy na sumusuporta sa kaniya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.