Sharon P10-M Agad Ang Ibinigay Sa Mga Nabiktima Ni ‘Yolanda’ | Bandera

Sharon P10-M Agad Ang Ibinigay Sa Mga Nabiktima Ni ‘Yolanda’

Cristy Fermin - November 12, 2013 - 03:00 AM

SHARON CUNETA

Sa mga personalidad na sikat, sa mga artistang pinalad na magkaroon ng magandang karera, ay si Sharon Cuneta ang masasabi naming kumikilos sa mga ganitong klase ng kalamidad na walang mga camerang nakatutok sa kanya.

Hindi lang dahil sa bilyonarya na si Mega, hindi lang dahil punumpuno na kasi ang kanyang kaban ng yaman, napakaraming personalidad na umaawas na rin ang bulsa sa kayamanan pero ayaw mabawasan ‘yun sa pamamagitan ng pamamahagi ng kanilang mga biyaya sa ating mga kababayang mas nangangailangan.

Sa ginanap na telethon ng TV5 sa ngalan ng mga sinalanta ng bagyo sa Kabisayaan ay nanguna sa paghahandog ng suporta at ayuda (palagi naman, walang mauuna sa kabutihan ng kanyang puso) si Mr. Manny V. Pangilinan.

Ang lahat ng kanyang kompanya ay nagbahagi ng kani-kanilang tulong, bukod pa ‘yun sa mas maaga nitong pagpapadala ng mga relief sa mga kababayan natin sa Visayas, milyon-milyon ang ibinabahagi ng pilantropo sa mga ganitong pagkakataon.

Ang Megastar naman ay nagbahagi ng kanyang mga tinatanggap na biyaya sa araw-araw, limang milyong piso ang ibinigay niyang donasyon para sa mga sinalanta sa Kabisayaan, limang milyong piso rin ang ibinigay niya sa Aboitiz Group na matagal na niyang katrabaho sa pag-eendorso niya ng Super Ferry.

Iyak nang iyak si Sharon dahil sa mga batang kinukuha-binubuhat ng kanilang mga magulang mula sa putikan. Du’n talaga nawawasak ang kanyang puso dahil ano nga ba naman ang kalaban-laban ng mga ganu’ng edad para iligtas ang kanilang mga sarili sa ganitong uri ng kalamidad?

Kaya nakalulungkot kapag may mga nangba-bash kay Sharon Cuneta, iniinsulto pa siya sa Twitter ng ilang kababayan nating walang pagpapahalaga, hindi alam ng mga taong ‘yun kung gaano kaganda ang puso ng Megastar sa mga ganitong panahong nangangapa sa dilim ang marami nating kababayang inaatake ng kalamidad.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending