Vivamax bombshell Dyessa Garcia rumesbak sa nangmamaliit sa sexy stars

Vivamax bombshell Dyessa Garcia rumesbak sa nangmamaliit sa sexy stars

Dyessa Garcia, Cess Garcia, Dani Yoshida, Chester Grecia at Dustin Celestino

WALANG paki ang Vivamax star na si Dyessa Garcia sa mga taong mababa ang tingin sa kanilang mga sexy star na naghuhubad sa harap ng mga camera.

Matapang at diretso ang mga naging sagot ng dalaga sa tanong kung ano ang mensahe niya sa mga nangmamaliit sa kanilang trabaho nang dahil lamang sa kanilang pagpapa-sexy.

“Gusto kong makita na lang nila ’yong resulta ng mga gagawin ko. Kasi, ngayon, kahit anong gawin ko po, may sasabihin po sila sa akin, eh,” simulang pahayag ni Dyessa sa presscon ng latest movie niya sa Vivamax, ang “Pilya.”

Baka Bet Mo: Anne may napatunayan nang isilang si Baby Dahlia: Totoo pala ‘yon, mas spoiled pa ang apo!

“Wala, eh. Kasi ’di rin naman natin mababago ’yung tingin nila tsaka ’yung pananaw nila sa Vivamax at sa pagiging sexy star.

“Wala na rin kasi akong pakialam sa sinasabi ng iba, lalo ng ’di naman nila ako kilala,” dagdag ng dalaga na malaki ang pagkakahawig kay Ryza Cenon at Dina Bonnevie sa personal.


Sey pa ni Dyessa, hindi niya kailangang mag-explain tungkol sa mga ginagawa niyang movies sa Vivamax, ang mahalaga ay suportado at naiintindihan ng pamilya niya ang kanyang trabaho.

“May mga taong nakakakilala sa akin na alam nilang hindi lang naman po ako nangarap na hanggang dito lang. May mga bawa’t plano akong hinahanda, hindi lang dito.

“Kumbaga, gusto kong makita na lang nila ’yung resulta ng mga gagawin ko. Kasi, ngayon, kahit anong gawin ko po, may sasabihin po sila sa akin, eh. Kahit maganda ’yung gagawin ko, tama ’yung gagawin ko, may sasabihin po sila sa akin, eh.

Baka Bet Mo: Anne Curtis, Erwan Heussaff isinabay na ang binyag ni Dahlia sa kanyang 2nd birthday

“Pero ’yung resulta ko sa dulo is okay, nasa tama ako, pupurihin pa po nila ako. Pero kung napariwara ako or what, huhusgahan ka nila so gawin mo na lang ’yong makakabuti sa ’yo,” katwiran pa ng dalaga.

Samantala, sa September 20 na mapapanood sa Vivamax ang “Pilya”, ang kuwento ng isang Queen Bee at ng kanyang wanna-be bestie.

Si Dyesa ay gumaganap na si Dahlia. Mayaman at maganda, lahat ay gusto siyang maging kaibigan. Nae-enjoy niya ang lahat ng atensyon at napapaniwala naman niya ang ilan na gusto rin niya sa kanila. Isa na dito si Jules.


Si Cess Garcia ay si Jules, sikat dahil parte siya ng grupo ni Dahlia. Feeling niya na siya ang best friend ni Dahlia, pero ang totoo ay ginagawa lang siyang utusan nito. May lihim na gusto si Jules kay Dahlia.

Sa pagdating ng bagong estudyante na si Nessa, ginagampanan ni Dani Yoshida, makakaramdam ng selos si Jules dahil nagiging malapit ito kay Dahlia.

Sa kagustuhan niyang magkalayo ang dalawa, magpapakalat ng tsismis si Jules na may relasyon si Nessa sa kanilang gwapong teacher na si Prof. Lopez, ginagampanan ni Chester Grecia.

Ano kaya ang mapapala ni Jules sa ginawa niyang ito? May bahid ba ng katotohanan ang pinagkalat niya? Siya na ba pipiliin ni Dahlia?

Ang “Pilya” ay mula sa direksyon ni Dustin Celestino.

Read more...