Sarah Lahbati may something sa bag, netizens napataas ang kilay

Sarah Lahbati may something sa bag, netizens napataas ang kilay

Reggee Bonoan - September 10, 2024 - 08:35 PM

Sarah Lahbati may something sa bag, netizens napataas ang kilay

ANO nga ba ‘yung nakita sa bag ni Sarah Lahbati? Ito ang usapan ngayon sa showbiz events bukod sa nakitang magkayakap sila.

Viral na ang photo kung saan tila may binubulong si Sarah kay Kathryn Benardo na nasa isang birthday party ng kilalang dermatologist. Isa rin ito sa mga tsika ni Ogie Diaz sa latest episode ng “Showbiz Update” vlog nila ni Mama Loi kasama si Tita Jegs na napapanood sa YouTube.

Simula ni Ogie, “Ang kapansin-pansin at napansin ng mga fans ay itong nakasukbit doon sa bag ni Sarah Lahbati.”

“Ano ba ‘yun?” tanong ni mama Loi.

Baka Bet Mo: Babala ni Sarah Lahbati: Do not return to anyone who hurt you!

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Tuloy ni Ogie, “kung mapapansin mo sa bag ay may nakalagay na live resin at sabi dito cartridge raw ‘yun, may nagsabi naman na cannabis oil daw ‘yun pero sinabi rito na hindi pa iyon legal sa Pilipinas at paano nakakuha, sabi naman pag may pambili, may mabibili.”

Ang mga nabanggit na ito ni Ogie ay mula sa komento ng netizens na nakapansin sa nasabing live resin.

Tsinek namin ang ibig sabihin sa live resin sa Google, “Basically, live resin is a cannabis concentrate extracted from freshly harvested marijuana plant material that’s been flash-frozen (or fresh frozen) at sublevel temperatures, blasted with solvents like butane, propane, or butane hash oil (BHO), and pressed.”

May nagsabi naman sa amin na ito na ang uso ngayon na nilalagay sa vape para hindi halatang cannabist ito pero malalaman ito dahil sa amoy.

Going back to Ogie, “pero siyempre hintayin natin si Sarah Lahbati kung paano naman niya ito ipapaliwanag kung bakit siya meron ganu’n sa bag kasi siyempre hindi pa ‘yan legal sa atin, bawal pa ‘yan kasi kalaban ‘yan ng mga pharmaceutical kahit sabihin pa ng iba na para sa health ‘yun”

Hirit ni Tita Jegs, “ang tanong d’yan ‘te ano ang ibinubulong ni Sarak kay Kathryn?”

“Ay wala naman sigurong kinalaman doon sa isyu ng mga fans na nakalawit do’n sa bag,” saad ni Ogie.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, nasa party din daw si Barbie Imperial na kasalukuyang nali-link ngayon kay Richard Gutierrez na tatay ng mga anak ni Sarah at hindi naman daw nagkita ng eye-to eye ang dalawang aktres.

“Nasa same room pero hindi sila nagkakitaan kaya itanong na lang natin kay Sarah Lahbati kung nakita ba sia ni Barbie at Barbie nagkita ba kayo ni Sarah,” pahayag ni Ogie.

Bukas ang BANDERA sa panig ni Sarah Lahbati o ng kampo niya tungkol sa nakitang nakasukbit sa kanyang bag na isa itong live resin at illegal ito sa bansa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending