Blackpink Jennie pumirma sa Columbia Records, maglalabas ng single sa Oktubre
MAY bagong record deal si Jennie, ang isa sa miyembro ng sikat na K-Pop girl group na Blackpink.
Siya ay pumirma ng kontrata sa Columbia Records bilang solo artist at bilang partnership ng kanyang record label and entertainment company na ODDATELIER.
Kabilang sa napagkasunduan ay ang ilalabas niyang solo single sa darating na Oktubre!
Ang bagong update sa karera ni Jennie ay ibinandera ng Columbia sa social media ngayong araw, September 9.
“JENNIE x OA x COLUMBIA RECORDS. We are family,” caption sa post.
Baka Bet Mo: Xian Gaza gumastos ng P1.5-M para sa billboard proposal kay Blackpink Jennie
JENNIE x OA x COLUMBIA RECORDS
We are family 🫶
🔗 https://t.co/ibQze5UXNP pic.twitter.com/p6nKsYs7OY
— Columbia Records (@ColumbiaRecords) September 8, 2024
Sa comment section, maraming fans ang very excited na sa kaabang-abang na pasabog ng K-Pop idol.
Narito ang ilan sa mga nabasa namin:
“SO EXCITED OMGGGG CANT WAIT ANYMORE [crying emojis].”
“WE ARE SOO READY!!”
“Honestly I’m not a kpop lover but this artist impresses me every time she’s coming!”
“Thank you so much for starting a partnership with our JENNIE!!!! I am so excited to see the beautiful art that JENNIE & y’all put out together!!!!”
“So excited for this new family masterpiece [happy face with hearts emojis].”
Matatandaang August 2016 nang mag-debut si Jennie bilang main rapper at lead vocalist ng Blackpink.
November 2018 naman nang sumabak siya sa solo career at inilabas ang first-ever solo single na “Solo.”
November 2023 nang magkaroon siya ng sariling talent company na tinawag na OA.
Sa kaalaman ng marami, hindi lang si Jennie ang nagtatag ng sariling kumpanya dahil mayroon ding sarling talent agency sina Lisa at Jisoo na LLOUD CO. and Blissoo, respectively, na inanunsyo nitong Pebrero lamang.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.